Carnap victim, nagkunwaring patay para makatakas

GENERAL SANTOS CITY – Nakapagsalita na ang biktima ng carnapping na dinala sa ospital matapos pinagtulungang bugbugin ng mga carnapper kung saan pinukpok pa ng bato ang ulo sa Polomolok, South Cotabato.

Ayon sa biktima na nakilalang si Mark Makiling, 19, na taga-Polomolok, South Cotabato, kakilala nito ang isa sa mga suspek, ang driver na si alyas Boyet at isang nagnga-ngalang Mansur na bumugbog sa kanya.

Sinuntok umano siya ng mga salarin sa maselang parte ng kanyang katawan, sinakal at inagaw ang bagong tricycle na inarkila lang nito.

Binuhat pa siya ng mga suspek at itinapon sa isang creek na malapit sa pinyahan, dagdag pa ng biktima.  Matapos ang insidente, nagkunwaring patay si Makiling para tuluyang iwanan ng mga suspek at nang makaalis ay naglakad para makahingi ng tulong.

Matindi ang kumpiyansa ni Makiling sa pagkakakilanlan ng mga suspek dahil kilala niya ang mga ito at hindi rin inakala na pinagplanuhan na pala siyang patayin at kunin ang pinapasadang tricycle.

Kasalukuyan nang isinasagawa ng Polomolok PNP ang hot pursuit operation laban sa mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.