Carnap Vehicles, Narekober sa Raid sa Davao

NABAWI NG mga kinauukulan kagabi ang aabot sa 14 na mga sasakyan sa isinagawang raid sa isang bodega na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng carnapping syndicate sa ilalim ng isang Ryan “Baktin” Yu sa Sarphil Subdivision, Barangay Wilfredo Aquino, Agdao, Davao City.

Isinagawa ang raid ng Davao City Police Office (DCPO) at Highway Patrol Group (HPG-Davao) bandang alas-6 ng gabi kamakalawa sa isang bodega matapos inilabas ng Regional Trial Court (RTC) branch 13 ang search warrant.

Pinangunahan ni DCPO director S/Supt Ronald dela Rosa at HPG chief P/Supt Gregorio Pimentel ang naturang raid.

Napag-alaman na base sa search warrant 13 mga sasakyan ang subject ng operasyon ngunit nang pinasok na ang bodega ng pulisya, umabot sa 14 na mga sasakyan ang nakumpiska.

Sa nasabing bilang ng mga kotse, nilinaw ng opisyal na isa lamang ang nasa kani-lang listahan.

Ito ay ang Toyota Avanza na kumpirmadong na-carnap.

Samantala, narekober din sa naturang bodega ang isang Toyota Avanza na may plate number FNL 367, Nissan Bentre na may plate number KER 501, Toyota Vios na may plate number JIL 33, dalawang Nissan Navarra, isang Toyota Hi-Lux, isang Honda Civic, isang Chevrolet Cruze, isang Mitsubishi Strada, isang Nissan Urvan, isang Toyota Vios, isang Nissan Bongo at isang Mitsubishi Lancer.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.