Carmina Villaroel, P80-K ang halaga ng sapatos!

NAKAKATUWANG MAKITA ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na nagkakaroon ng maliit na argument para sa isang bagay.

Dinalaw kasi namin ang dalawa last saturday sa ABS-CBN habang nasa dressing room pa lang nila bago sumalang sa kanilang show with Ogie Diaz and Janice de Belen na Showbiz Inside Report (SIR).

Una, pinapaliwanag ni Mina (palayaw ng actress-TV host) sa asawa kung bakit binabayaran ng mga international magazines ang mga Hollywood stars kapag uma-appear ang mga ito sa cover, lalo na kung may mga exclusive stories o feature sa mga bahay nila, for instance, hindi gaya rito sa Pilipinas. “S’yempre, sila binebenta worldwide, pati rito sa atin,” paliwanag ni Mrs. Legaspi.

Nagbibiro kasi si Zoren na kahit dito ay dapat binabayaran din daw ng mga magazine ang mga artista kung kunwari ay ipi-feature o iko-cover ang mga ari-arian ng mga ito dahil kumikita naman daw ang mga publishing company sa ads at sales ng mga magazine.

Bago naman umere ang SIR, habang naka-stand by sa may gilid ang mag-asawa ay napunta ang usapan sa designer shoes na suot ni Mina dahil medyo nahihirapan itong maglakad sa taas ng heels at puwesto nito.

Kahit ang aktres ay hirap sa pag-pronounce ng tatak ng kanyang mamahaling sapatos na nagulat s’ya nang mapanood n’ya sa TV si Maja Salvador sa asap habang nasa bakasyon sila sa Boracay, magkapareho sila at ipinangsasayaw nito.

Tinatanong ni Zoren kung magkano ba raw ang bili ng kanyang misis sa sapatos na ‘yon na natatawang napapailing na lang si Carmina na ayaw sabihin ang presyo, kaya nag-dialogue nang pabiro si Mister na, “Ang dami-daming nagugutom.”

Napag-alaman namin na ang parehong luxury shoes nina Carmina at Maja ay may tag price na P80 puk o thousand lang naman! Nakakaloka!

Sa huli ay nag-hug and kiss pa rin ang happily married couple, especially Mother’s Day episode nila.

Pangiti-ngiti lang at wala namang nabanggit na regalo si Zoren para sa kanyang asawa since araw ng mga ina kahapon nu’ng tinatanong s’ya ni carmina kung ano ang gift nito para sa kanya.

Incidentaly, nasa build and sell business pala ng mga bahay si Zoren. May lima na raw s’yang naipagawang mga bahay at naibenta located in Greenwoods Subdivision sa Pasig.

 

BONGGA ANG launch na ginawa ng Belo Essentials para kay Anne Curtis bilang endorser ng deo-product nu’ng Sabado sa Activity Center ng Trinoma Mall.

Sabi nga ni Dra. Vicki Belo, “Anne has been with us for 13 years since she was 15 so she deserves a special launch, like this! And it’s really her time!”

For Mother’s Day, lumipad kahapon ang beauty doctor sa Amerika kasama ang anak na si Cristalle Henares para sa graduation ng isa pa n’yang anak na direktor na si Quark Henares sa pag-aaral nito ng filmmaking for two years. Kaya isa raw ‘yon sa pinakamagandang regalo na matatanggap n’ya ngayong araw ng ating mga dakilang ina.

May tinatapos naman daw na parang scrapbook si Cristalle para sa kanyang mommy, kung saan nakalagay ang kanilang mga memorable bonding moments pictures.

Hanga naman si Dra. Belo sa acting ng kanyang ex-boyfriend at special friend pa rin hanggang ngayon na si Hayden Kho nang mapanood nito ang The Bride and The Lover.

 

PATI PALA ang Kapuso star na si Aljur Abrenica ay may sports car na Dodge Challenger na rin ngayon.

So bukod kina Daniel Padilla, Vhong Navarro at James Yap, pang-apat na si Aljur sa nagmamay-ari sa buong Pilipinas ng nasabing sports car na nagkakahalaga ng halos P3 million, kung hindi kami nagkakamali.

 

PERSONAL: THANK you so much and Happy Mother’s Day to Ms. Pinky of Fernando’s Bakeshop! Happy Mother’s Day also to my Mama Evelyn Valentina Martinez-Simeon, my sisters Katrina Simeon-Flores and Tara Fonseca Simeon-Micazo, Iya San Diego-Cruz, Cherry San Diego, and Emy Gopez.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

3 thoughts on “Carmina Villaroel, P80-K ang halaga ng sapatos!

  1. taray ni aljur hahahahaa katas ng pagpapatsupa nya ayan sa mga baklang pinupuntahan nya sa middle east at amerika hahahahahaha

  2. yung kay james yapo yan yung kinurakot niya kay kris at ying kay aljur galing sa gatasan niyang bading haha

  3. ang tarush naman ni james yap may dodge challenger  for sure dami nakataas ang kilay knowing malaki-laki din nakuha nya ke tetay simpleng toys nga lang para ke bimby di pa nya maibigay kesyo nakalimutan daw bilhin sa hongkong echoserong butiki madami ba sya anak at iyon dinahilan nya or makakalimutin lang talaga ang lolo sa dami ng tsiks-2-go :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.