Carmina Villaroel, naiilang pa ring makita si BB Gandanghari

Carmina-VillaroelINAMIN NI Carmina Villaroel sa Kris TV na na-tense at nailang daw siya nang magkita sila ni BB Gandanghari (dating Rustom Padilla) sa debut ni Kathryn Bernardo. Dumating si Rustom kasama ang buong pamilya, including Robin Padilla and wife Mariel Rodriquez bilang suporta kay Daniel Padilla na ka-love team and rumored boyfriend ni Kathryn. Si Carmina naman ay with her family and husband Zoren Legaspi at kanilang kambal na anak.

Tsika ni Carmina, pumapasok pa lang daw si BB kasama ang buong pamilya ay na-tense na siya dahil sa kanya raw nakatingin ang karamihan ng mga imbitado sa party.

“Lahat na-tense talaga. Lahat na-tense for me. Buti na lang ganoon na lang,” say ni Carmina. “Awkward talaga.”

Pero talagang hindi raw sila nagkaroon ng pagkakataon dalawa na makapag-hello sa isa’t isa dahil hindi sila nagkita nang face to face o nang malapitan. Okey na rin raw na hindi sila nagkaharap dahil maraming tao. Gusto raw kasi niya na kung magkikita sila ay walang camera.

“Kaya siguro hindi rin siya (BB) lumapit kasi parang respect na rin kay Kathryn, kasi parang it was her night,” say pa ni Mina.

Darating din daw ang tamang panahon at magkakausap din sila’t magkikita nang hindi na naiilang.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Carmina Villaroel, naiilang pa ring makita si BB Gandanghari

Leave a Reply

Your email address will not be published.