Carmina Villaroel, may limitasyon sa love scene nila ni Paulo Avelino

Carmina-Villaroel“AKO NA ang nag-set ng limitations ko nu’ng gawin namin ni Paulo Avelino ang love scene namin sa ‘Bridges Of Love’. Actually, napakabait na bata niyang si Paulo.

“Ang tawag niya sa akin, ate. So lagi niyang itinatanong sa akin, ‘Ate, kumportable ka ba na ganito ang gawin natin sa eksena?’ Inaalalayan niya talaga ako.

“Saka siyempre, alam naman natin na may asawa ako at mga anak, so ako na rin ang tumatantiya sa eksena.”

Cougar ang role dito ni Carmina Villaroel kahit hindi naman talaga nalalayo ang edad nila ni Paulo sa tunay na buhay.

Pero si Zoren Legaspi, wala namang magawa, “Eh, pareho naman kaming artista, eh. ‘Pag ako rin ang gumawa no’n, makipag-kissing scene ako, hindi rin siya puwede magalit. Hahahaha!”

14 years old na ang kanilang kambal, pero hindi ba nila ito susundan?

Carmina: “Nako, hindi naman kami nagpipigil, pero wala pa talaga, eh. Kung darating siya, darating siya. So far, complete naman ang pakiramdam namin sa kambal.”

Zoren: “Actually, ayaw na namin, eh. Kuntento na kami sa kambal, eh. Gusto ko kasi, matutukan namin pareho ang kambal, lalo na at lumalaki na sila.

“Hindi ko pa talaga ine-entertain ang idea na magbuntis uli siya. Pero kung sa akin lang, huwag na. Tama na sila. Happy na kami. Ang hirap magpalaki ng bata ngayon.”

Basta kay Zoren, “Gusto ko, kung mag-aartista sila, priority nila ang pag-aaral nila. Mas gusto ko, sayaw lang sila nang sayaw sa ASAP, tapos, aral na sila.

“Iba pa rin ‘pag may tinapos ka. Although siyempre kung gusto naman ng batang mag-artista, wala naman kaming magagawa, eh. Basta ‘yung hiling lang namin, makatapos sila ng college.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

2 thoughts on “Carmina Villaroel, may limitasyon sa love scene nila ni Paulo Avelino

  1. OFF TOPIC naman tayo mga kapamz…..sino sino kaya yung tatlong bagets na lalaki na taga kapamilya ang nahuli ng guard sa rooftop ng Ignacia building na may ginagawang kalaswahan…alam mo kung ano ang ginagawa nung tatlo .palengke_whore bwahahah nag ma masturbate bwahahaha..kaya naman nahuli ang iingay kasi hahahah hayun kakahiya silang tatlo,,,clue yung isa diyan may teleserye bago mag T.V patrol bwhahah hulaan muna lang yung dalawa pa,,,hahahah abay kilala na rin yung dalawa bakla may teleserye na rin sila sa Ebak…hahha

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.