Carmina Villaroel: fake si Rustom!

SLIP’S SHOWING: DAHIL sa tinuran ni Carmina Villarroel sa interbyu sa kanya with husband Zoren Legaspi sa pagkakatagpo niya sa “Isang tunay na lalaki…” na dinugtungan ng “Totoong magmamahal sa ‘yo,” marami siyempre ang nag-react dahil na rin sa minsang nagkaroon ng kaugnayan sa buhay nito na alam na naman ng lahat na nagbago na ng pananaw sa buhay.

Slip of the tongue, sabi nga!

But Zoren (sa interbyu niya sa SNN) was quick to retort na, wala na nga ang nasabing tao, kaya hindi na nga raw naman kailangan pang palakihin ang nalinawan namang pahayag ng kanyang better-half.

Maganda nga ang naging reaksiyon ng mga manonood sa interbyuhan nina Ruffa Gutierrez, Zoren at Carmina. Dating naging magkarelasyon sina Zoren at Ruffa. Best friend ni Ruffa si Carmina. Kung nakumpleto nga ang casting, ang dati namang nakarelasyon ni Carmina na alam na natin kung sino ang siya namang kasama sa mga best friends ni Ruffa sa panahong ito.

JOIN NA SIYA!: Walang puknat ang kakatsika ni Bernard Cloma sa Pasiyam na misa ni Mother Lily (Monteverde) sa Imperial Palace para kay Tito Douglas (Quijano), na magiging endorser na raw ang mag-inang Aling Dionesia at Manny Pacquiao ng isang sabong panlaba!

Inusisa nga namin si Cloma kung ilang figures ang nai-book niya para sa talent fee ni Aling Dionesia na join na sa hanay ng mga endorsers ngayon.

Ang Cloma, say lang na hindi niya raw mabilang!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

One thought on “Carmina Villaroel: fake si Rustom!

Leave a Reply

Your email address will not be published.