Carmina Villaroel, ‘di type makita at makausap si BB Gandanghari nang may nakatutok na camera

BB-Gandanghari-Carmina-VillaroelSA TUWING makakausap ng entertainment press si Carmina Villaroel, laging naisisingit ang pangalan ni Rustom Padilla, ex-husband ng actress. Hindi naman itinatanggi ni Carmina na okey at matagal na siyang naka-move on at sa katunayan ay nagkita na raw sila, pero hindi sila nagkausap.

Masaya na raw siya ngayon at nababalitaan naman daw niyang masaya na rin si Rustom na ngayon ay si BB Gandanghari. Hindi lang daw niya ma-take na makaharap at nag-uusap sila ng ex-husband na maraming tao at may camera na nakatutok sa kanila.

Nakahanda naman daw siyang makausap at makaharap si BB Gandanghari basta walang camera na nakatutok at maraming tao dahil pakiramdam niya ay nasa aquarium sila at pinag-uusapan.

“Actually, ‘di ko siya iniisip at hindi rin pinaplano na ganitong month ay kakausapin ko na siya. Gusto ko ay mangyayari na lang and if ever na magkita kami, gusto ko ay wala munang mga camera. Gusto ko ‘yung private lang para kami lang. Like what I’ve said, hindi ko siya pinaplano, na kung dumating, ‘di dumating,” say ni Carmina.

Samantalang sa interview ni Boy Abunda kay Carmina, inamin ng huli na talagang hindi niya pinayagan ang kambal na anak na manood ng Bridges of Love, lalo na ‘yung episode na may intimate scene sila ni Paulo Avelino.

 

NAGKAROON NG Thanksgiving party ang buong cast ng Yagit kasama ang mga bata ng He Cares Foundation sa Enchanted Kingdom last March 29 bilang regalo ng Yagit cast sa mga kids.

Kumpleto ang cast ng Yagit sa pangunguna ni Yasmien Kurdi at mga Yagit kids na sina Jemwell Ventinilla, Chalui Malayao, Zymic Jaramilla, Judie dela Cruz, at Steph Yamut. Kasama rin sina James Blanco, Maricris Garcia, Kevin Santos, Renz Fernandez, Ina Feleo, Bettina Carlos at LJ Reyes.

Bukod sa production number na pinaghandaan ng Yagit, nagbigay rin sila ng regalo at nagkaroon ng ilang games na siyang kinatuwa ng mga kabataan.

Ang Yagit ay patuloy na napapanood tuwing hapon sa GMA 7 sa direction ni Gina Alajar.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.