Carmina Villaroel, ‘di makapaniwalang inaanak si Daniel Padilla

NO BIG deal para kay Carmina Villaroel kung isa na namang Padilla ang kanyang katrabaho sa pinakabagong primetime teleserye ng ABS-CBN, ang Got To Believe.

Carmina plays mom to Daniel Padilla, the nephew of her ex-partner Rustom, as we all know.

In real life, inaanak pala ni Mina si DJ, “Kaya mare ang tawag sa akin ni Karla (Estrada, DJ’s mom). Nu’ng una nga, eh, hindi ako makapaniwala nu’ng in-interview ko si DJ. ‘Oo nga’, sabi ni Karla. ‘Weh, ‘di nga?’ Kaya tuloy sa tuwing makikita ko si DJ, naaalalala ko na ang dami ko nang utang sa kanya. Ilang Christmas at birthdays na ang lumipas, pero ‘di bale,” sabay paling sa batang aktor, “Mas mayaman ka naman sa akin, kaya kiss and hug na lang ang ibibigay ng ninang.”

Ang Got To Believe is a follow-through project after the success of Princess & I na unang pinagtambalan nina DJ at Kathryn Bernardo. The same writers were tasked to conceptualize another teleserye, at isang nalathalang report tungkol sa isang batang lalake with a bullet imbedded in his head ang nagsilbing inspirasyon nila sa kuwento.

During the presscon, may nagtanong kung gaano na rin daw ba kalalim ang palaso naman ni Kupido ang tumagos sa puso ni DJ para kay Kat. Sey ng batang aktor, “Malalim na po.” When it was Kat’s turn to answer, inamin niyang nasa MU (mutual understanding) stage pa rin daw sila ni DJ.

And you got to believe it.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

2 thoughts on “Carmina Villaroel, ‘di makapaniwalang inaanak si Daniel Padilla

Leave a Reply

Your email address will not be published.