Carmina Villaroel, desidido nang umalis sa Siyete!

HINDI ITINANGGI NI Carmina Villaroel na nakikipagnegosasyon siya sa ABS-CBN at TV5 for a possible transfer as soon her contract with GMA expires on December 31 this year. Sa ngayon, Carmina maintains two regular shows.

Mula kasi sa isang source, tiniyak nitong desidido na ang TV host-actress on bolting the gates of GMA, it’s a toss between the two other channels as to Carmina’s next destination.

“Sa totoo lang, wala pa. I haven’t signed any contract with either ABS-CBN or TV5 although there have been meetings already,” pagkaklaro ni Mina who’s represented by her manager (Tita) Dolor Guevarra.

“Pero initially, since may sakit ako nu’n, it was Tita Dolor who attended the meeting with Ma’am Wilma (Galvante, GMA’s SVP for Entertainment TV). Ang sabi raw niya kay Tita Dolor, kung saan daw ako masaya, du’n ako. I guess, standard line na ‘yon, but I felt Ma’am Wilma’s sincerity. Gayunpaman, may inio-offer pa rin ang GMA sa akin,” dagdag pa niya.

Truth to tell, kung offer at offer din lang daw ang pag-uusapan, all three major networks have equally tempting bids.  “Nasa akin na lang talaga ang desisyon. Kung puwede nga lang, sunggaban ko nang lahat ang mga offers nila, ‘no!”

Or is Carmina’s dilly-dallying stance because of the fact that once she steps out of GMA ay hindi na siya muling makakabalik doon? “Ah, hindi. Nasa pag-uusap naman ‘yon. Eh, ‘di kung kunwari tinanggap ko ‘yung offer ng kabila at natapos ‘yon, I’m sure may babalikan ako,” confident na sabi ni Mina.

 

WHEN REACHED FOR a phone patch interview on Startalk TX, pointblank ay sinabi ni Jaclyn Jose na hindi welcome si Albie Casiño na dumalaw sa kanyang kapapanganak lang na anak na si Andi Eigenmann. Albie is believed to be the father of baby Adrianna Gabrielli, Andi’s first born na kanyang iniluwal nitong November 23 via caesarean section.

Earlier, nahingan na rin ng kanyang saloobin si Gabby Eigenmann, kuya ni Andi, who was one of the early visitors at the hospital. Kung siya rin daw ang tatanungin, banned si Albie sa pagbisita sa kanyang kapatid dahil aniya, where was he all along?

Startalk TX wasted no time in getting the side of Mrs. Rina Casiño, ina ni Albie, sa kung ano muna ang kanyang masasabi sa pagsisilang ni Andi. Instead of agreeing to be phone-patched ay idinaan na lang niya sa text message ang kanyang pahayag, and we quote: “We just want to congratulate her (andi) and we wish them both (Andi and the child) well thanking God for a safe delivery for her and a healthy baby girl, she’s beautiful. I know in God’s time everything will work out fine,” unquote.

Expectedly safe as her congratulatory message ay “hinamon” ng Startalk TX si Gng. Casiño kung ano naman ang kanyang nais ibuwelta kay Jaclyn who stands her ground that Albie is prohibited from paying Andi a visit, and again, we quote:  “Hindi na. Ayoko nang palakihin. I do respect her decision but I know by the grace of God, maaayos din ito,” unquote.

Kung matatandaan, in one of his recent interviews ay isang astig na Albie ang tahasang nagsabing wala siyang kailangan kay Andi o sa pamilya nito. And if there was anything that needed to be resolved, ang pamilya Eigenmann daw ang dapat lumapit sa kanya, not him.

Good thing, it was Albie’s mom who spoke, otherwise ang basang-basa nang papel ng batang aktor would not possibly dry up even if literally placed under the scorching heat of the sun.

 

TUNGHAYAN NGAYONG MIYERKULES sa Face To Face ang kalunus-lunos na kuwento ng magkapatid na sina Gemma at Genna. Nabuntis kasi si Gemma ng isang nangngangalang Christopher, while a certain Jeffrey got Genna pregnant only to discover that Christopher and Jeffrey are one and the same! Ito ang kuwentong nakapaloob sa Lalaki Nagdalawang Pangalan, Mag-ate Sabay Na Nabuntisan!

Kuwentong beki na naman ang hatid ng episode bukas na Matapos Mahawakan, Pototoy Ng Mga Boy Pinaglaruan… Ipinagkalat Pa Na Maliit Kaya ‘Di Nagustuhan! Tatayo bilang isa sa Trip Tagapayo ang psychologist na si Dr. Margie Holmes kaya keri niyang payuhan ang beking si Sally na nagkakalat ng tsismis tungkol sa mga boylet na sina Niño at Mark.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

3 thoughts on “Carmina Villaroel, desidido nang umalis sa Siyete!

Leave a Reply

Your email address will not be published.