Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, nagkuwento tungkol sa kanilang surprise wedding

1-zoren-legaspi-and-carmina-villaroel

Picture 1 of 7

 NAGPATAWAG NG presscon ang mga handlers nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na sina Tito Dolor Guevarra at Shirley Kuan, dahil hindi nga nakapag-invite ng mga kaibigan sa press ang mag-asawa sa surprise wedding gift ni Zoren ke Mina last Nov. 15.

Nakakatuwa naman, dahil nagkuwento pa ang mag-asawa ng mga sidelights ng kanilang kasal.

“Alam kong may pinirmahan akong marriage contract, dahil alam n’yo naman ako, si pirma lang nang pirma. Pero nu’ng makita ko ‘yon, sabi sa akin ng kapatid ko, pirmahan ko, dahil ‘pag mag-asawa kayo kunwari eh, bababa ang binabayarang tax. Aba, go ako, dahil ang laki ng tax ko!”

‘Eto pa. Handa na ang lahat, pero ang kulang na lang pala eh ‘yung magkakasal. Gusto ni Zoren, no other than P-Noy ang magkasal sa kanila, “Para maniwala ang mga tao na seryoso talaga ang kasal namin at hindi showbiz.”

Problema ni Zoren ‘yan, pero tumawag ang wedding coordinator nilang si Charisse Tinio na meron na siyang nakausap na Justice na magkakasal, pero hini-hingi lang nito ang lahat ng requirements, kaya ayun, panatag na loob ni Zoren.

“Stress-free bride” ang tawag ni Carmina sa sarili, dahil usually, kasama ang wife-to-be sa preparation, pero itong kasal, alam niyang si Zoren ang punong-abala, kaya sabi nga ni Zoren, “Two days talaga akong magtututulog!”

Tinanong din si Zoren ni Manay Ethel Ramos kumba’t hindi nito in-invite si Ruffa Gutierrez sa kasal? Matagal bago nakasagot si Zoren. Hinahagilap pa ang isasagot habang naka-ngiti. Biglang, “Eh, baka kasi ipahinto niya ang kasal, eh! Baka sumigaw siya ng, ‘Stop the wedding!’” kaya tawanan ang mga press.

Ipinagtapat na rin ni-lang mag-asawa sa mga bata na nag-asawa noon si Mina at si BB Gandang-

hari ang napa-ngasawa nito. “But if you happen to see him,” bilin ni Zoren sa mga anak nila, “Be polite, ha?”

Minsan naman raw, si Mavick ay nagtanong, “He used to be a guy before?” nu’ng napanood ng mga bata si BB sa TV.

Narito ang ilang photos courtesy of Nice Prints.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.