Carmen Soo, bagong syota ni Gab Valenciano? (Rachelle Ann Go, sobrang na-hurt!) – Ambet Nabus

NGAYON ANG UNANG araw ng shooting ni Kris Aquino for Mano Po 6 kung saan nabalitang pumayag itong lumabas for free bilang best friend ni Sharon Cuneta sa movie.

Hindi naman ito itinanggi ni Megastar nang makausap namin last time at kinumpirma nitong tuwang-tuwa siya sa gesture ni Kris.

Kaya naman mabilis din namin itinanong kung may kulay pulitika ba ito, them being the wife and sister respectively of famous senators Kiko and Noynoy?

“Tiyak na iisipin iyan ng iba pero para ano pa to explain? Kris and I are enjoying each other’s friendship and we are friends, period,” tsika ni Mega.

Sinagot din ni Sharon ang isyung mas natuwa siya sa pagback-out ng asawa sa 2010 elections dahil mas nakakapagod daw ‘yun. At sinabi rin niyang mananatili ang suporta nila kina Noynoy at Kris, ‘yun nga lang ay limitado ito kumpara sa kung ang asawa niya ang tumatakbo. Klaro!

NAAWA NAMAN KAMI kay Rachelle Ann Go ng mapanood namin ang panayam nito sa SNN tungkol sa dating karelasyong si Gab Valenciano na diumano ay pumoporma ngayon (o jowa na?) sa Malaysian actress na si Carmen Soo.

Kulang na talagang paiyakin ang dalaga at pilitin itong magsalita nang hindi maganda, isang bagay na ikinairita talaga namin.

Agad naming inalam sa ilang kaibigan ang isyu at kumpirmado ngang nagkakasama sina Gab at Carmen, lalo na pagkatapos ng show na ASAP. Although walang nagsasabing sila na ngayon, sa naging reaksyon ni Rachel Ann, ay masasabing nasasaktan ito.

Ang natatandaan lang naming nasabi ni Gab sa isyu, para sa kanya, ang kanyang mga ex-GFs ay mga ex-GFs na pero nanatiling friends niya. Ganu’n kaguwapo ang anak ni Mr. Pure Energy, huh!

AND SO, SI Nadine Samonte na ang papalit kay Sunshine Dizon sa isang soap sa GMA-7.

Matapos ngang mabalita na madalas na namang inaatake ng dating sakit (severe migraine?) itong si Sunshine kaya’t naapektuhan ang taping, minabuti ng management na palitan ang aktres.

Walang nagsasalita sa panig ni Sunshine kaya’t itinuturing na given na ang rason tungkol sa sakit.

Just wondering kung paanong maiaakma sa parehong role ang karakter ni Nadine? Biru-buruan nga raw sa taping, suwerte naman itong si Marvin Agustin as his character gets to bed Ara Mina, si Sunshine nga, at itong si Nadine.

May mga ilan nga lang daw na tumaas ang kilay. Kasama ka kaya du’n kapatid na Alex B?

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

19 thoughts on “Carmen Soo, bagong syota ni Gab Valenciano? (Rachelle Ann Go, sobrang na-hurt!) – Ambet Nabus

  1. Nakarma si Rachel na napakagandang ngumiti parang may tinga. Pag umihip ka ng torotot aani ka ng torotot. Gandang lalake ni Gabonio nakakabakla. Sana bigyan sya ng role sa pelikula na sya yung nasa likod ng mga taong mababait at bumubulong at naguudyok ng kasamaan. Bagay na bagay sa kanya sungay lang ang kailangan dahil yung tenga nya ay parang tenga ng angel ng kadiliman. No offense to Gabonio pero talagang yun ang muka nya

  2. ASUS naman!hindi papatol si CARMEN SOO with this guy.eh kay Piolo nga parang dedma si Carmen eh.siya pa kaya mukang matanda pa sa tatay niya…and she’s too good for him,she’s sophisticated.toh naman si RACHELLE nahurt daw??eh si Christian kaya ‘nahurt’?.girlfrwen this is what you call K.A.R.M.A KARMA!!!sabi ok na nga ba hindi kayo nagtatagal nitong si gab eh.from the moment i heard you two were toegther i said yeah right these two ain’t gonna last not even a year.i gave you two a year or less to break up.and low and behold YA DID!!!HAHAHA.buti nga sayoo RACHELLE.you’re such a sorry ass.CHRISTIAN LOVED YOU HE WAS READY FOR YOU.HE TREATED YOU WITH MORE RESPECT THAN HE HAS FOR HIMSELF.BUT NOOO YOU HAD TO RUNAWAY FROM A GOOD THING.AND FOR WHAT?OVER RELIGION?ANG SHALLOW MOOO RACHELLEE.!!!!!!!!!!!!!!!

  3. They need to interview Carmen Soo and get the real scoop. I don’t believe she fell for Gab. Why? She’s not that desperate. This is another publicity gimmick.

  4. dyos ko naman..publicity lang to sa concert ni rachelle ann no! nandamay pa ng iba…kala mo naman kagwapuhan ang BF…di papatulan ni carmen si gab no..20 yrs old lang si gab..ayaw naman siguro nya ng alagain…showbiz sa pinas talaga..makita lang magkasama gagawan na ng tsimis…hmmm

  5. Hoy Gab, mas bagay sayo ang pangalang Bab, short for Babalu. Kapal talaga ng mukha mo. pangit na nga ng mukha mo, lakas pa ng apog mong manligaw ng maganda. Kabaliwan nga ng patulan ka ni Rachelle Ann. Buti na lang at nagising cya. Alam mo kung anong bagay sayo dahil magaling kang magpagiliw-giliw at wala ka naming ibang alam gawin dahil wala ka namang career na patutungohan…
    mag MMDA TrafFic Enforcer kana lang…

  6. first of all, hindi papatulan ni Carmen si Gab. itaga nyo sa bato yan. second of all, MABUTI NGA SA IYO YAN RACHELLE ANN GO, bakit? kasi ganyan din ang naramdaman ni Christian Bautista noong mag cool off kayo tapos all of a sudden BF mo na si GAB shongit. that’s what you call KARMA baby!!!!!!

    • Hindi daw papatulan? Eh sabi ni Rachelle na nakita ng friend niya na pinuntahan ni Carmen si Gab sa studio at nasa kabilang studio lang si Rachelle at that time hindi na lang niya pinuntahan to confirm kasi nga naman masakit. Masyado kasing pakipot at kaartehan ayun tuloy iniwan na ng tuluyan hirap kasing suyuin eh… lol

      • porke’t ba na nakita silang dalawa na magkasama ay PINATULAN na???? maski nga si Rachelle sinabi nya na baka nag recording lang yung dalawa. si JL nga hindi nakapasa kay Carmen, ito pa kayang si Gab shrek…

    • hoy!!!!!!!! matagal nang break c ate shin at christian nung naging cla ni gab! wag ka ngang mambintang jan na wla namang ktotohanan! hindi ganyan c ate shin!

  7. Ay sus sigurado ba kayong anak ni Gary V yan? Wala namang anak na Chaka is Gary V…and di ba Camay girl dati si Angeli? WAT happened?! Grabe talaga ‘tong si Impi mag sabog ng lagim!

  8. sayang sana d sila naghiwalay perfect match cla kasi pareho silang PANGIT. kawawa naman itong anak ni gary nung nag buhus ng kapangitan sinalo nya lahat. pinilit pang pumasok sa showbiz sayaw lang ang alam no acting buti sana kung ang sayaw nya pang exceptional hindi naman.

    • Korek. Di ba magaaral siya sa US. Ano ang nangyari? Bakit hindi natuloy. Dapat siguro, magaral siya at nang makatapos. Hindi siya bagay magartista. Subukan kaya niya ang politics gaya nang Uncle Kiko niya. Pag walang hitsura, idaan na lang sa utak.

  9. Ang pangit ni GAb para ke Carmen Soo.Kahit na ke Rachelle Ann Go ay hindi siya bagay. Mukha siyang babalu..walang ngipin ang itsura! Para siyang matandang wala ng ngipin. O parang baby na hindi pa tinutubuan ng ngipin.

    Rachelle, suwerte ka. nakatakas ka agad diyan. Wala kang kinabukasan diyan dahil ikaw ang mas sikat. Alalay mo lang lagi iyan kung sakali. Taga dala mo lang ng sapatos.

  10. Si CArmen Soo, pumatol kay Gab? BAKEEEET? Hindi ako naniniwala rito. Naman, Carmen Soo. . .You can do better kung totoo ito. Sana kausapin rin si Carmen. Palagay ko, publicity lang ito. Walang career si Gab, period . . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.