Carmen Soo, bagong GF ni Direk Lino Cayetano?

BULUNG-BULUNGAN NGAYON SA showbiz ang isyung si Carmen Soo na raw ang bagong pinopormahan ngayon ni Direk Lino Cayetano. Matapos ma-link kina KC Concepcion at Bianca Gonzales, ang Malaysian actress na raw ngayon ang bagong GF nito. Nang maka-chika namin si Carmen sa shooting ng music video ni Christian Bautista, kung saan siya ang leading lady ng singer, iwas na iwas ito sa topic na lovelife. Lahat ng tanong namin sa kanya, sinasagot naman niya nang maayos. Pero pagdating sa lovelife, iwas-pusoy na ito.

Pero sa general question namin na kung may nagpapalipad hangin sa kanya ngayon, oo naman ang sagot ni Carmen. “I got out dates when I have time.”

Kaya umusisa pa kami kung taga-showbiz or non-showbiz ba ang kanyang bagong manliligaw, ang sagot niya: “Showbiz? Hmm… actually it doesn’t matter to me.”

May nakausap din kaming isang reporter na sinubukan ding ikumpirma kay Direk Lino kung sila na nga ba ni Carmen, pero magalang itong nag-decline na sumagot sa isyu.

Naku ha, alam n’yo naman sa showbiz, kung may usok, may apoy! Kaya pasasaan ba’t lalabas at lalabas din ang tunay na kuwento sa isyung ito. In time, malalaman din natin kung may pinatunguhan ba ang sort-of-lovelife nina Carmen at Direk Lino.

BLIND ITEM. ISANG MALAKING ‘OMG!’ na lang ang nasabi ko nang makita ko, ako mismo at nang dalawang mata ko pa, ang isang hunk actor sa isang gay club sa Malate. Ang naturang club ay sayawan ng mga gay guys at bukas din naman iyon para sa mga straight crowd. Nakakulay puting T-shirt si hunk actor at may mga kasamang kaibigan na bading at babae din. Noong una ay nasa second floor ng naturang club ang hunk actor, pero maya-maya pa ay bumaba na ito sa dance floor at doon sumayaw kasama ang mga kaibigan.

Hindi ko lang maintindihan ay nang makita ako ng isa sa mga kaibigan ng hunk actor ay bigla na lang akong itinuro sa aktor at saka bumulong sa kasama. Ang next na nangyari ay, nag-exit frame na ang aktor. So, ang basa ko sa nangyari e, parang nakilala ako siguro nu’ng kasama niya at sinabing baka magka-isyu pa e, pinaalis na lang si hunk actor.

Ok fine! Matatanggap ko na sana ang kuwentong iyon. Actually, mapapalagpas ko na sana ang nangyari, kasi tutal, ang club naman na ‘yon sa Malate ay open naman talaga sa straight crowd. Pero nang marinig ko ang kuwento ng isa ko pang friend e, parang naiba na naman ang pag-iisip ko!

Bakit? ‘Eto ang kuwento: Noong nakaraang Sabado pa, nakita sa isang gay bar and club sa Cubao itong si hunk actor. Sumasayaw, nag-e-enjoy kasama ang mga kaibigan. Pero ang ipinagtataka ng aking mga kaibigan, e ang dami dami namang clubs sa Metro Manila para sa mga straight crowd e, bakit doon pa sa mga gay clubs nakikita itong si hunk actor? Senyales na ba ito na unti-unti na niyang ipinapakita ang kanyang tunay na kulay? Sa akin naman e, wala na iyon. Dahil marami na talaga akong narinig na gay stories tungkol sa aktor na ito. Kaya kung lumabas man siya at umamin, parang Ricky Martin lang ang dating! Weno? Kumbaga, ang sagot ng taong bayan e, “Alam na po namin ‘yan!”

‘Yun na!

loading...

4 thoughts on “Carmen Soo, bagong GF ni Direk Lino Cayetano?

  1. kung ikaw ba nman e pinag iisipasn ng bading like piolo bakit pupunta ka pa sa mga gay bars na alam niyang my bading issue na sa kanya, writers talaga para lang my maisulat!

Leave a Reply

Your email address will not be published.