Carlo Caparas, excited sa Pangarap Kong Jackpot movie with Manny Pacquiao – Chit Ramos

TULAD  NG KANYANG dakilang ama, nabilanggo rin pala si  Carlo   J. Caparas   noong  bata  pa  siya.

Dahil   sa  matinding  hirap, naging   laman  siya   ng  lansangan   at  madalas  mabagansiya   at  masubo  sa street   fighting. Maraming   mukha  ng  buhay  ang  nai-drawing  niya  sa  lupa,kahit  sa  mga  dahon  ng  gabi  o  simpleng   tissue  paper.Isang  regalo  mula  sa  Itaas    na naghatid  sa  kanya  ng  ibayong grasya  na  siyang  tinatamasa  niya  ngayon  at  ng  kanyang  pamilya.

“Wala  akong  masyadong  pinag-aralan kaya’t  bumagsak  akong  isang  security  guard  sa  isang publication,”  anya  sa  isang  interview.”May  nag-suggest  sa  akin  na  mag-apply  sa  loob dahil nakikita  niya  akong  nagdo-drawing-drawing  tuwing  tanghali o hatinggabi. Iyon  ang  naging  simula ng  mahigit  800  kong  nobela  sa  iba’t  ibang  komiks.”

Nagbabalik-alaala  si  Carlo dahil nalalapit  na  ang  showing  ng  Pangarap  kong  Jackpot  Trilogy  movie  niya  na  hango  sa  matinding  hirap  na  dinanas  niya noon. Itinabi  muna  niya  ang  intriga  tungkol  sa  pagtutol  ng ilang  elitista sa pagkakapili sa kanya bilang National Artist dahil sabi nga ng asawa niyang si Donna Villa at dalawang anak na sina CJ at Peachy, mananatili siyang National Artist sa puso at buhay nila, ganu’n din sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

“Ipinakikipaglaban  ko na ang aking sarili sa isyung iyan, hahayaan ko namang ipaglaban ako ng iba. Hindi ko puwedeng pabayaan ang pelikulang ito. Una, dahil parang nakikita ko ang aking sarili sa bida kong si Manny Pacquiao. Pinagdrama ko siya rito at nasorpresa ako na marunong siyang umarte. Ganoon din ang sabi ni Donna, humble share namin ito in national efforts para ma-revive ang sigla ng Filipino film industry. Hindi ko rin pinigil ang mga anak ko na lumabas for the first time dahil proud na proud sila habang pinapanood ang unang bahagi ng pelikula,” masayang balita ni Carlo.

BUKOD KAY MANNY, pinaghalo ni Carlo ang mga veteran actors na sina Eddie Garcia, Gina Pareno, Tommy Abuel, Joel Torre, Pen Medina, at sina Jake Cuenca at Maegan Young, Mark Herras, at Baron Geisler.

Isang pasasalamat din ito sa PCSO sa suporta nila sa proyekto. “Tinulungan kami ng ahensya, lalo na sa research ng mga materyales na ginamit dito. Parte kasi ang pelikula ng 75th anibersaryo nila ngayong buwan ng Setyembre.”

Tulad ng istorya ng sariling buhay ni Carlo, tampok sa Sa Ngalan Ng Busabos episode ang kuwento ng isang bata na napilitang makipaglaban sa buhay. Iniligtas siya ng isang pamilyang umampon sa kanya, pero, kailangan pala niyang protektahan at ipaglaban sa masasamang elementong nakapaligid sa kanilang lugar.

Hindi na ikinuwento ni Carlo ang Hiwaga ni Lolo Hugo at Hawak Kita, Hawak Mo Ko episode 2 and 3 pagka’t may sorpresa siyang handog sa mga tao na gustong makaahon sa matinding hirap, tulad niya.

“Habang ginagawa ko ito, ang dami-daming nagbabalik sa aking alaala,” patuloy niya. “Kung mahina-hina ang loob ko, posibleng madali akong magupo sa kasamaan. Buti na lang at kasing-tigas ng katawan ko ang tindi ng pagnanais kong maging masaya naman. Ayokong puro hirap at lungkot ang maranasan ko. May mga magulang at siyam na kapatid na gusto ko ring mapaginhawa.

“Ang karanasan ko kay Donna ay isa ring inspirasyon dahil hindi ko sana siya naabot kung pinanatili ko ang sarili ko sa ibaba. First love ko siya at mula nang maidirek ko sa pelikula, hindi ako tumigil hangga’t hindi siya maging ina ng dalawa kong anak.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

4 thoughts on “Carlo Caparas, excited sa Pangarap Kong Jackpot movie with Manny Pacquiao – Chit Ramos

  1. What I know is that Carlo is not 53 years old. He was suppose to be born in 1958? Gosh, we were already in the fifth grade at Pasig Elementary School in 1958

  2. para sa akin,deserving sya as national artist ,marami na syang nagawa or naiambag sa larangan ng sining pilipino,palitan sana ang title,ang chaka eh….panonoorin ko yan dahil kay jake!!!!

  3. Bakit naman si CArlo Capars pa ang direktor. baka magkaroon pa ng massacre sa istorya niyan!!!! Di ko ma take…LAOS NA IYAN SI cARLO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.