Carlo Aquino, maintains friendship with ex-girlfriend Angelica Panganiban

OLA CHIKKA! NOW na! Oh, no… oh, yes! Now na! Thanks God, it’s Friday! Speaking of thank you ay talaga naman na pasalamatan muna natin ang aking mga kasamahan sa industriya, tawagin natin silang mga kaparazzi na sina Ogie Diaz, Mell Navarro at ang iba pang kasamahan natin sa industriya, lalo na ang Viva Films dahil sa pag-imbita sa akin sa presscon ng Tumbok na ginanap last Wednesday sa City Best Seafood Restaurant sa Tomas Morato.

Pinapunta ko ang aking bunsong anak na si Kariz Espena, na aking representative at kasama niya ang general manager ng Ola Chikka Productions, dahil kasalukuyang akong nagbi-beauty rest sa isang hospital. Kaya ang magbabahagi ng chikka ngayon ay ang aking anak na si Kariz.

Sa presscon nga ng Tumbok, nabigyan kami ng pagkakataong mainterbyu ang mga lead stars na sina Cristine Reyes, Carlo Aquino, Ryan Eigenmann, Jao Mapa, at LJ Moreno. Unang dumating si LJ, at late na si Wendy Valdez na patapos nang presscon nang dumating.

Ayon sa director ng nasabing pelikula na si Topel Lee, nakuha ang title na Tumbok sa pamahiin na tumbok na tumbik na lugar ng isang tirahan. Napanood nga namin ang trailer, at masasabi naming ito ay isang must see movie, dahil nga nakadadala ang story at nakatatakot at nakatataas talaga ng balahibo. Para sa amin, isa itong kakaibang horror film, dahil nga sa pamahiing tumbok na tumbok na tumbok. At sa mga twist and twirl ng pelikula at natural na pag-arte ng magagaling na artista ng Tumbok, na talaga namang aabangan ng mga tao.

Ayon sa aming mga nakapanayan na mga artista at speaking of Tumbok, nagkatumbukan nga ang friendship nina Jao at LJ, at ang mga co-stars na sina Cristine at Carlo na nagkatumbukan din dahil sa chance na nilang maging close at makapagkulitan sa isa’t isa. Kadalasan nga, ayon kay Cristine, galante at madalas daw manlinbre si Carlo, at sagot naman ni Carlo na makulit at mahilig din daw kumanta si Cristine, ‘pag break.

Ayon din sa aming pananaw, hindi totoo ang isyu ng pagpapakasal nina Cristine at Rayver Cruz. Siguro raw kasi ay nakikita sila ng mga tao na masyadong masaya sa piling ng isa’t isa, at gusto rin ng mommy ni Cristine si Rayver, kaya go na go itong si Cristine. At kung si Cristine nga raw ang tatanungin, hope niyang mag-last ang relationship nila ni Rayver, dahil ayaw raw niyang magpalit-palit ng dyowa.

Si Carlo naman, may ginagawa palang isang indie film, at ang isa raw niyang pinagkakatiwalaan sa showbiz ay si Ketchup Eusebio. Tungkol naman kay Angelica Panganiban, nasabi nitong okey na okey naman sila at walang panghihinayang sa kanilang relasyon noon, dahil minahal naman daw nila ang isa’t isa. ‘Yun nga lang daw, hindi sila nagkaintindihan. Pero maganda naman daw ngayon ang kanilang friendship.

Samantala, hindi raw makakalimutan na experience ni LJ sa movie ay ang mismong building na pinagsyutingan nila na sobra raw talagang nakakatakot. Si Jao naman, pinatanda raw ng eight years, at kakaiba raw talaga ang mga eksena niya sa movie. Ang nakakaloka ay si Wendy na pinatakbo raw nang hubo’t hubad sa building. ‘Yun na!

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn  at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Carlo Aquino, maintains friendship with ex-girlfriend Angelica Panganiban

  1. I like Christine Reyes. Natural siya. hindi plastik, hindi kagaya ni Mariel. Meron bang showing dito sa Cali? I want to watch this movie.

Leave a Reply

Your email address will not be published.