Carlo Aquino, ipinakita ang makinis na puwet!

‘YUNG PORNO ay napanood din namin. Ayaw itong ipalabas ng direktor na si Adolf Alix sa mga sinehan dahil marami kayong makikitang “porno” at importante ang mga eksenang ‘yon sa pelikula, dahil obviously, ‘yun ang title, ‘no!

Kaso mo, sobrang disappointed kami sa kabuuan ng movie, dahil hindi namin siya maintindihan. Kasi, bigla na lang sumusulpot ang mga characters na wala man lang “pasintabi,” kaya kung me kasama ka, baka tanungin mo ‘yung katabi mo para ipaintindi sa ‘yo kumbakit… anyare?

Yes, si Carlo Aquino ay nagpakita ng puwet (na makinis, huh!) at me eksenang naka-underwear lang siya (kaso, nakaupo lang sa kama at hindi na tumayo) at kahit si Yul Servo ay nagpakita rin ng tambok ng puwet.

‘Yung katabi lang namin ay nagtanong: “Anyare ke Rosanna Roces? Ba’t nanaba nang ganyan?” Actually, wala nang nagulat sa ipinamalas ni Osang, dahil mahusay naman, kaso, walang bagong Osang na mararamdaman.

Pero dragging ang pelikula at maraming shots na masyadong babad na hindi naman kailangan. At me mga shots din na hindi kailangan. Kinapos yata ng oras sa editing.

Merong gustong patunayan ang pelikula, pero hindi namin naramdaman ang “patunay”.

 

MERON NA rin kaming website na p’wede n’yo nang bisitahin, pero up to now ay inaayos pa namin. Log on lang kayo sa www.ogiediaz.net at ‘yung mga personal encounters at opinyon namin ang mas madalas n’yong mababasa roon.

Wala kaming ambisyong makipag-unahan sa mga showbiz scoops, dahil kahit marami kaming alam ay hindi naman namin mailagay o maisulat doon, dahil sa “friendship” namin with some of the “sources”.

Hahahaha! Basta good vibes lang ang laman ng aming website. Hehehehe!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.