Carlo and Maja, dating for two months

Mere or Less
by Nitz Miralles

NATAWA SI KC Concepcion sa tanong ng isang reporter sa victory dinner para sa box-office success ng When I Met U nila ni Richard Gutierrez, kung ang actor ba ang una niyang iimbitahan sa lilipatan niyang condo sa The Fort?

Very close sila ni Richard, pero ayaw niyang lalaki ang unang iimbitahan, pero siguradong iimbitahan niya ang actor sa kanyang condo. Nakaplano nang ang kanyang pamilya at mga pinsan sa Gamboa at Sotto side ang mga unang makakapunta sa kanyang bahay na sarili niyang pera ang ipinambili.

Kuwento pa ni KC, excited na ang mga kapatid niyang sina Frankie at Miel na makapunta sa unit niya at i-raid ang kanyang refrigerator na ginagawa ng dalawa para maghanap ng chocolates at ibang makakain.

Medyo sad si KC na hindi nila alam ni Richard kung kailan uli sila magkakatrabaho at umaasa silang hindi aabutin ng five years bago sila gumawa uli ng pelikula. Depende raw sa managers nila ang muli nilang pagsasama, but as of now, sa taping ng Lovers In Paris nila ni Piolo Pascual siya busy at si Richard ay sa taping ng Zorro.

KUNG NAPANOOD LANG ni Carlo Aquino kung paano kainit ang pagtanggap ng fans sa Market Market kay Maja Salvador at kung gagano kahusay magsayaw ang endorser ng Sister sanitary napkin, tiyak na magiging proud siya.

Sina Maja at Rafael Rosell ang main performers sa kick-off ng series ng shows ng Star Magic in cooperation with Ayala Malls na sinugod ng maraming tao. Tama ang observation ni Julie Bonifacio-Gaspar na kahit magalaw magsayaw, very graceful pa rin si Maja.

Kaya namin naalala si Carlo dahil sa presscon ng Dapat Ka Bang Mahalin? ng GMA-7 na pilot this Monday, masaya nitong ibinalitang for almost two months now, nagde-date na uli sila ni Maja at wish niyang maging girlfriend ang actress. Nadadalaw na raw niya ang dalaga sa bahay nito at taping ng May Bukas Pa dahil unlike before, welcome na siya sa kampo ni Maja.
Nagpapasaya rin kay Carlo ang magandang partisipasyon sa soap na kahit hindi siya ang bida, he’s given good exposure and good lines by director Maryo J. delos Reyes na tatatak sa televiewers. May highlights din siya na aabangan daw dahil maganda.

AYAW PANG BANGGITIN ni Richard Gutierrez ang airing ng Zorro at ayaw pangunahan ang GMA-7 sa pag-a-announce. Pero hindi nito alam, ibinalita ng inang si Annabelle Rama na sa March 16 na ang premiere ng bagong series ng anak.

In fairness kay Annabelle, kahit may away sila ni Wilma Galvante, SVP for Entertainment ng network kung saan under ang Zorro, ipinagmamalaki nito ang serye’t maganda raw ayon sa kuwento ng asawang si Eddie Gutierrez na kasama sa cast bilang governor.

Inaabangan namin ang presscon ng bagong soap ni Richard dahil tiyak na darating si Annabelle at alam naming lagi ring present si Ms. Wilma. This time kaya, magkita na ang dalawa o may isa sa kanilang hindi dadating?

Samantala, hirap si Richard sa mga eksena niya sa Zorro, pero enjoy rin siya lalo’t sanay na siyang mangabayo. Isang black stallion named Buhawi ang gamit niyang kabayo na dahil araw-araw silang magkatrabaho, very close na raw sila.

Hindi ipinarinig ni Richard kay KC ang sinabing isa sa ikinagusto niya sa bagong show, ang tatlong leading ladies. Bukod kay Rhian Ramos, kapareha rin niya sina Michelle Madrigal at Bianca King. Ang balita namin, may kissing scenes siya sa tatlong kapareha.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.