Carlene Aguilar, nakatira na sa bahay ng boyfriend!

ISA SA USAP-USAPAN ngayon ay itong biglaang pagpapakasal ni Sunshine Dizon sa kanyang pilotong boyfriend.

Tingin ko naman diyan, okay na rin ‘yung magpakasal na si Sunshine dahil minsan lang nag-aalok ng kasal ang lalaki kaya sunggaban na, ‘di ba?

Sabi naman ni Mommy Dorothy, gustung-gusto raw niya itong lalaki para sa anak niya kasi mabait, responsable at higit sa lahat guwapo.

Siyempre madatung! Alam ko galing sa bonggang pamilya, pero sabi naman ni Mommy Dorothy, hindi na importante sa kanila kung madatung o hindi basta kaya lang nitong buhayin ang anak niya.

Pero sa naipundar naman ni Sunshine, mabubuhay na sila. Pero mabuti na rin ang lalaki ang bumubuhay sa babae, ‘di ba?

Piloto naman itong napangasawa ni Sunshine kaya buhay na buhay sila. Ang dinig ko pa nga, isang 3 karat diamond ring ang wedding ring na ibinigay nito kaya tiyak na makikita n’yo iyan na suot-suot ni Sunshine sa pagsisimula ng Party Pilipinas sa darating na Linggo.

Iyon ang isa sa aabangan natin kay Sunshine.

Sabi naman ni Sunshine, medyo mapili na siya ngayon sa mga project na gagawin niya.

Hindi raw muna siya sa mga magdamagang taping sa drama series. Okay na siya sa madaliang show gaya nitong Party Pilipinas.

Nagku-concentrate pa kasi siya sa pag-aaral niya sa Culinary Arts dahil malapit na raw siyang mag-graduate.

Isa ‘yun sa gustong matupad ng aktres na makapagtapos ng Culinary Arts at makapagpatayo ng restaurant business.

Marami pa kaming kuwento tungkol diyan sa Startalk, abangan n’yo na lang bukas!

MERON DIN KAMING kuwento tungkol sa isyung pagpapakasal ni Carlene Aguilar sa matagal na niyang boyfriend na si Yo Ocampo.

Magsasalita na rin si Carlene tungkol diyan, siyempre hindi ko muna sasabihin kung totoo ba ito o hindi. Kasi kahit ako nga, hindi ko rin alam kung talagang nagpakasal siya.

May paliwanag itong alaga ko tungkol sa isyung iyan kaya magsasalita na rin siya, dahil ang dami nang naglabasan at kahit sina Dennis Trillo at Cristine Reyes ay nagsalita na rin tungkol diyan.

Kaya panoorin n’yo na lang bukas dahil ayoko nang pangunahan si Carlene.

So far, ang pagkakaalam ko lang, hindi na nakatira si Carlene sa bahay ng magulang niya dahil nagsasama na sila ni Yo.

Alam kong matagal na itong alam ni Dennis, pero sana raw hindi na lang muna ito nagkomento tungkol sa isyu ng kasalan dahil hindi pa naman nagsasalita si Carlene.

Since, ready na si Carlene na magsalita tungkol diyan, ‘yun na lang ang hintayin natin.

BILIB NAMAN AKO kay Kuya Boy Abunda kung gaano ka-supportive sa kandidatura ni Mike Defensor.

Ang gaganda ng mga sinabi niya sa bonding with the barangay officials na ginanap sa Celebrity Sports Plaza nu’ng kamakalawa ng gabi.

Noon pa man, sinasabi na ni Boy na iba na ang friendship nila ni Mike kaya todo ang suporta niya rito. At sa totoo lang, gumagastos pa siya.

Sa event ding ‘yun ay nandu’n ang ilang alaga ni Kuya Boy na sina K Brosas at Ai-Ai delas Alas para pasayahin ang mga leaders ni Mike.

Sabi pa niya, nandu’n ang mga alaga niya hindi dahil para sa kanya kundi naging kaibigan din nila si Mike, kaya kahit walang datung na involved, nandu’n sila para magbigay-suporta.

Matagal na palang close sina Ai-Ai at ang asawa ni Mike na si Julie Defensor na bongga rin ang PR sa lahat.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Carlene Aguilar, nakatira na sa bahay ng boyfriend!

  1. Isa pa ‘toh–3rd party source ulit tulad kay Swarding. Kasal na po si Carlene sa “boyfriend” nya noh? So what does that make him? Her legitimate husband!! Gather your facts. May blessing si Carlene kay Dennis bago siya nagpakasal sa QC courthouse–since she is the mother of Calix.–Labo talaga ng closeted lesbian nah ‘toh!! Yakkers!

  2. sino ba ang carlene na eto na napakatrying hard na mapansin. wala namang maipagmamalaking ganda at talento sa showbiz.

    starlet lang at gusto pang maging front page kung ikinasal na o hindi pa.

  3. lolit, based on what i read yesterday, sunshine’s husband hasn’t completed the required flying time to be a pilot, meaning HE’S NOT A PILOT YET! :-)

Leave a Reply

Your email address will not be published.