Carlene Aguilar, nagpapasalamat kay Pauleen Luna – Gorgy’s Park

TUMATANGGI NA SI Pauleen Luna sa mga gusto pang mag-interview tungkol sa isyu nila ni Dennis Trillo dahil nasabi na raw niya lahat sa Startalk nu’ng mag-guest siya para i-promote ang bagong primetime series nila nina Mark Herras at Jennylyn Mercado na Ikaw Sana.

Nu’ng nakaraang Sabado nga, hirap na hirap si Pauleen na sagutin ang lahat na mga tanong tungkol sa kanila ni Dennis dahil siya lang naman ang nagsalita at hindi itong aktor.

Kilala naman si Pauleen na hindi marunong magsinungaling kaya nang mairaos nito ang interview sa kanya sa Startalk, tumatanggi na itong magpa-interview dahil hirap na hirap na nga siya.

Hinarang nga ito ng mga reporters sa nakaraang Gawad Urian pero wala na raw siyang masabi dahil paulit-ulit lang naman ang mga tanong. Kaya mananahimik na lang daw siya talaga.

Dumating din nga si Carlene sa Urian pero hindi na nito naabutan si Pauleen.

Gusto nga ni Carlene na makausap si Pauleen tungkol sa kanila ni Dennis dahil ang narinig lang daw niyang bersyon ay ang sa aktor kaya gusto rin nitong makausap ang dalaga.

Wala naman daw siyang alam sa totoong namagitan sa dalawa pero gusto naman niya si Pauleen at tuwang-tuwa nga siya dahil ibinili pa nito ng damit at ilang gamit ang anak niyang si Calix.

Noon kasi, kapag nahihiram ni Dennis ang anak nitong si Calix, si Pauleen ang nag-aalaga dahil ang hilig nito sa mga bata. Kaya nagpapasalamat si Carlene kay Pauleen.

Pero sey naman ni Pauleen, ayaw na raw niyang paulit-ulit na pag-usapan iyun dahil nakakapagod na. Siyempre, nasa moving on stage na raw sila ni Dennis kaya hayaan na lang daw.

Ang ikinalungkot lang ni Pauleen, nagkakaroon na ito ng image na mabilis magpalit ng boyfriend kaya sa ngayon gusto raw niyang mag-concentrate na lang sa trabaho. Abala naman daw siya ngayon sa Eat Bulaga at itong Ikaw Sana na nagsimula na nu’ng nakaraang Lunes.

FINALLY, NATAPOS NA rin ni Sen. Bong Revilla ang pelikulang pang-MMFF niya, Ang Panday na talagang ginastusan nila nang husto.

Nagkaroon ito ng last shooting day nu’ng nakaraang Sabado at kumpleto ang cast doon. Todo-kantiyaw sa set sina Rhian Ramos at Geoff Eigenmann dahil naintriga sila doon gawa nang madalas nga silang nakitang magkausap sa set.

Paliwanag naman ni Rhian, si Geoff naman kasi ang halos kaedad niya roon kaya nagkakasundo sila sa tsikahan. Pero wala naman daw malisya iyun dahil ang madalas nga raw na naikukuwento ni Geoff ay si Carla Abellana na ewan ko kung sila pa rin nitong basketbolistang boyfriend niyang si JC Intal ng Ateneo Blue Eagles.

Balik tayo sa Panday, ayaw nang sabihin ni Sen. Bong kung magkano ang inabot nitong Panday nila ng GMA Films dahil sa set pa lang hindi biro ang lumabas na datung diyan.

Ngayong nasa-post production sila, tiyak na madugo rin ang gastusin diyan pero hindi na iniisip iyan ni Sen. Bong dahil ang gusto lang naman daw niya ay maipagmalaki niya nang husto ang pelikulang nagagawa niya at world class ang quality na puwede nang pumantay sa mga malalaking pelikula ng Hollywood.

Kung buhay lang daw ang Da King na si FPJ, tiyak na magiging proud siya sa pelikulang ito.

By Gorgy’s Park

loading...

4 thoughts on “Carlene Aguilar, nagpapasalamat kay Pauleen Luna – Gorgy’s Park

  1. Don’t blame to Bong Revilla. Sa movie outfit dapat. Kasi now, parang Star Cinema lang ang kinikilala ng mga tao gagawa ng magandang movie. Ung last movie ni Robin Padilla na SUNDO ay Flop pero pag gumawa yan sa Star Cinema box-office yan. MAg indi film na lang ung ibang outfi kikita pa sila.

  2. si bong lagi na lang gawa ng gawa ng movie. senador ka na. dapat, ung pagiging senador na lang inaatupag mo. kaya sa debade sa senado tameme ka eh…hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.