Carla Humphries is not proud during her stay in ABS-CBN?

LAGI PALANG NAGDADA-LAWANG-ISIP noon si Carla Humphries kung ano ang isasagot kapag tinatanong ng mga kaibigan niya kung ano ang kanyang trabaho. Aminado ang aktres na hindi siya ‘proud’ noon na nasa showbiz siya. Ito raw ‘yung mga panahong ‘one-of-those’ lang siya sa talents ng Star Magic ng ABS-CBN.

“Kasi, ‘di ba, ‘pag nasa showbiz ka parang ang baduy? Some of my friends kasi sa abroad, hindi alam na artista ako rito. Kaya parang medyo hindi talaga ako proud na sabihing artista ako,” pahayag ni Carla.

Pero nagbago ang pananaw ni Carla nang mapasama siya sa Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5, na magtatapos na this week. “Dito kasi parang nagawa ko na ang lahat. Nagpaka-aksyon kami, nag-drama, nagpaseksi, as in, talagang na-test dito nang husto ‘yung pagiging artista namin. Everybody’s happy naman sa naging resulta.

Medyo nakakalungkot lang, kasi, magtatapos na nga siya,” sey pa ng seksing aktres.

Marami ba siyang mami-miss sa kanilang teleserye?

“Marami talaga. Pero ang talagang mami-miss ko ‘yung bonding namin dito. Iba kasi ang naging samahan namin dito,” aniya.

Bumilang din ng ilang taon bago nagpasyang iwan ni Carla ang Star Magic. She is now under Annabelle Rama’s management.

“Si Tita Annabelle, parang anak ang turing niya sa amin. Biglang tatawag na lang ‘yan, ‘Anak, anong ginagawa mo? Sama ka sa akin, magsimba tayo sa Cebu!’ Gano’n. Saka napakamaasikaso niya, lagi ka niyang pakakainin. Kahit anong gusto mo, bibilhin niya sa ‘yo. I am thankful na siya ang manager ko, and it was really a wise decision,” sabi pa ni Carla.

Hindi ba siya naasikaso noon sa Star Magic?

“Hindi naman sa ganoon. I will always be grateful sa Star Magic. Maayos akong nagpaalam sa kanila. Kaya lang, ang dami kasi namin doon. Parang mahirap na mapansin ka,” aniya.

Halos nasubaybayan namin ang pagdadalaga ni Carla, mula sa pa-tweetum na ka-loveteam ni Janus del Prado, na naging boyfriend niya rin, hanggang naging January cover girl na siya ng FHM this year. Pero mula noon at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago si Carla. And we have to say she’s one of the few artists na hindi nagkaka-amnesia.

Lagi naming sinasabi sa aktres na hindi namin makakalimutan ang performance niya noon sa Maalaala Mo Kaya, kung saan gumanap siya na isang pilay.

“Alam n’yo, ‘yung iba ring nakakausap ko, ‘yan din ang sinasabi nila sa akin. Talagang ‘yun daw ang naalala nila sa akin,” nakangiting sabi rin ni Carla.

Ngayong nagpaseksi na siya at tumanggap na ng mature roles, may limi-tasyon pa rin ba siya?

“Hindi naman po ako puwede sa all-out sexy. Saka ayaw rin po naman ni Tita Annabelle nu’n,” pagtatapos niya.

 

FIRST TIME NAMING napanood ang Totoo TV nina Maverick at Ariel sa TV5 nu’ng Lunes ng gabi. Ang ‘trip’ ng tandem, e mag-substitute sa isang ‘houseband’ dahil Father’s Day presentation ang programa. At ininterbyu din nila ang King of Comedy na si Mang Dolphy.

Nakakaaliw ang dalawa sa kakaibang atake nila sa programa. Tinutukan talaga namin. Para sa amin, refreshing ang dating nina Maverick at Ariel, o dahil sawa na rin kami sa pare-parehong presentation ng mga docu-magazine shows, except for I-Witness, or any documentaries ni Howie Severino.

Dahil puyat-mode na rin naman kami nang gabi na ‘yon, inabangan na rin namin ang ‘signing-off’ ng GMA-7. Gusto naman naming mapanood ‘yung TVC nila ng ating ‘Lupang Hinirang’. Very impressive.

Napaka-cinematic ng direksyon. ‘Yung historical presentation nila is something that will make you proud as a Filipino.

Parang ang weird yata ng trip namin ng gabing ‘yon!

 

Bore Me
by Erik Borromeo

loading...

11 thoughts on “Carla Humphries is not proud during her stay in ABS-CBN?

  1. DA WHO ANG BABALINANG BABAE NA ITO NA QUE LAKI NG GILAGID AT MGA IPIN. MUKHA CYANG BAKLA. TANTANAN MO NA KC ANG KAKATABI K RAYMUNDA TIGNAN MO C ROPA NAGING MUKHANG TRANNY AN RIN KAKATABI DUN KA KAPATID NYANG BAKLITANG BABOY! BWAHAHAHAHAHAHAHAH

  2. kahit na mestisa ay di talagang artistahin si carla. di lang kasi sa itsura, kailangan marunong ding umarte at yan ang wala kay carla. maghanap na lang siya ng ibang trabaho dahil sa lagay niya na yan ay mukhang di siya magtatagal sa showbiz.

  3. hoi bakla ka nga wla kang magawang magaling kundi humnap ng papa mas bastos ka alam mo iyon paano kung may jowa ka anong s.. ang dapat gawin sa iyo kya mas bastos ka echioserang frog na bakla ang kapal mong magsalita inggit ka!!!

  4. I BELIEVE IN FAVORITISM MERON DIN DAW DYAN SA ABS CBN PAG KUMABIT KA SA TOMBOY AT BAKLANG EXECUTIVE PASOK KA PERO DAPAT ME TALENT DIN SA PAG ARTE.BUT FOR CARLA SHE IS NOT FOR SHOWBIZ I DONT HATE HER DI PANG ARTISTA ANG BEAUTY NYA.YUN LANG PEACE.

  5. KEBER KO SAYO!!!!!! at TALAGANG AYAW KITANG PANOORIN NOH? LALO NA NGAYON NA KASAMA MO SA KWADRA ANG MGA HINAYUPAK, HAMBOG, MAYABANG, PLASTIK, SINUNGALING NA SINA CF AT WR!!!!!

  6. Nahiya sya kasi parang extra lang sya sa ABS not because nasa showbiz sya. Nga naman, mahaba-haba na na roles nya sa TV5 unlike noon kaya pwede na nya ipagmalaki. Di naman kelangan sumisipsip, kasi kung talagang nakitaan namin sya ng potential, igu-groom namin sya, gaya ki Sarah,i Bea and Kim. kumbaga sa beauty pageants,  isa  lang sya sa mga thank you girls. 

  7. kung baduy pala ang showbiz bat ka naman naki join tanga hehehe…. joke lang. musta na nga pala yung kunwaring halikan nyo ni raymunda? magaling din kayo gumimik para mapansin, eh ang mas lalong napansin naman yung mga pictures na nagkalat na me kahalikan si raymunda na isang lalake sa isang bar hahaha…. nagpanic si ruffa noon sa the buzz hahaha!!!!!

  8. hahaaha ngayon lang natauhan si carla alam mo naman sa abs pagsipsip ka magkakaron ka ng project,kahit magaling ka kung mahina ka sa komite favoritism din iyan,kaya ngayon proud ka sa tv5 at maganda ang trato sa iyo go go go carla magaling ka naman talaga kasi napanood kita noon sa abs..

  9. she doesn’t have the appeal kasi of a good actress kaya di xa napapansin.. di xa maganda, maputi lang xa.. malaki ang kaibahan ng maganda at maputi. sa katryn bergado ng maraclara, hindi maputi pero maganda at magaling kaya siya sikat. ganun lang un! patabasan mo kasi ng konti baba mo, kunti nalang kamukha mo na si ai ai delas alas..hehehe.peace!

Leave a Reply

Your email address will not be published.