Carla Abellana, walang planong mag-cover sa men’s magazine!

SA PRESSCON NINA Carla Abellana, Billy Crawford, John Prats, Iya Villania at Kris Lawrence para sa Marikina Shoe Exchange, nakausap namin nang personal si Carla. Basically, ang MSE ay isang wholesaling operation with direct selling twist.

Tinanong namin si Carla kung gaano siya ka-sexy sa bago niyang pelikula. “First time akong nagpa-sexy pero  honestly, kapag napanood ninyo ang movie, you wouldn’t even say it’s sexy, dahil marami kayong napapanood sa trailer na wala sa pelikula. Siyempre, hindi naman ‘yun ang point ng movie. Sexy siya, pero bukod doon, marami talaga siyang lesson, maganda naman at very tasteful ang pagkakagawa niya,” depenseng sabi ng dalaga.

Wala bang plano si Geoff na panoorin ang pelikula dahil super sexy raw ito? “Hindi naman sa walang planong panoorin but he wouldn’t be here because he’s leaving for the States on Thursday, so he wouldn’t be here during the premiere night. Hindi pa niya napapanood so, wala pa siyang reaction. Saka ninyo tanungin sa akin kapag napanood na niya.”

Sinabi kaya ni Carla kay Geoff na may pagka-daring itong movie ? “Alam na ‘yun, ako ang unang nakabasa ng script, siya ang pangalawa. Alam niya ang laman ng script kung bakit ko tinanggap ang pelikula. Siyanga ‘yung nag-encourage sa akin na tanggapin ko ‘yan para ma-overcome mo ‘yung challenge so, gawin mo, huwag mong gaanong isipin. Sabi ko, okey, gagawin ko ito.”

May fear or selos factor ba naman si Geoff sa mga sexy scenes niya with Jake Cuenca? Wala bang fear na baka mag-selos si Geoff? “Wala namang fear or anything. Alam naman niyang trabaho lang. Sabi nga ng Lola ko, proud siya sa akin dahil naalala daw niya during her days kung baga, she also take her risk na kailangan niyang makinig sa director. Ako pa, for all people ang ‘di makakaintindi kung bakit mo kailangan gawin. Kung ano ‘yung hinihingi ng director sa atin ibibigay natin. Actually, habang ginagawa namin ‘yung ibang eksena, naaalala ko ang lola ko. Kung nakaya niyang gawin ang mga bagay na ito na magpa-sexy, bakit ang lola ko rin naman may mga bikini shots. Siya nga ‘yung nasa isip ko habang nagsyu-shooting kami. Sabi ko sa sarili ko, kung kaya niya, kaya ko ring gawin.”

Kailan kaya dara-ting na magiging cover si Carla ng isang men’s magazine? “Ayaw ko talaga kasi nga, I said many times, cover ka ng isang men’s magazine, pa-ngalan mo ang nakalagay d’yan. Ayaw kong ganu’n ang maging image ko, hindi ‘yun part ng plans talaga. It’s my decision. It’s mom’s decision. I guess, my dad’s decision, collective.”

So, never talagang magpo-pose si Carla sa men’s magazine? “Hindi naman never, pero wala talaga siya sa plans ko. “

Sa mga susunod na pelikula ni Carla, mas hihigitan kaya niya ang pagpapa-sexy? “Depende, parang nagawa na namin lahat dito. Siyempre, hindi naman doon nagtatapos ‘yun, kahit sino namang artista ‘yun ang goal na may maipakita silang something different.”

Kumusta na si Carla after sa nangyari sa kanila ni Mario Bautista, nagkausap na kaya ang dalawa? “Okay naman, hindi pa kami nag-uusap. Hindi pa kami nagkikita, I hope to see him in one of the presscon but okay naman ako. Actually, akala ko tapos na nang gabing ‘yun pero umpisa lang pala. Sabi ko nga, masyado akong maraming pinagkakaabalahan para isipin ‘yun. I have a new movie that’s coming out, ‘eto may bago akong soap at may bago akong endorsement. So, It really is nothing to me, I’m positive, already back to work.”

Anong lesson ang natutuhan mo sa pangyayari sa inyo ng batikang manunulat na si Mario? “Walang nagbago, it’s just that I have more respect for him now than ever before, ‘yun lang. Sinubukan naming mag-set ng meeting but I was discourage by my mom and my lola na to pursue that meeting. Nakapag-sorry na ako in public during the presscon and they believe that’s more than enough. Depende, I’ll see pa what I can do.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.