Carla Abellana, type si Jake Cuenca!

SOMEBODY HAS ARRANGED daw for Angel Locsin to meet a long lost relative in Marawi na may royal blood. Balitang wish din daw nitong makita ang kadugo niyang “Primetime TV Queen” ngayon.

“Pasensya na po kung hindi ako makapag-elaborate sa inyo tungkol sa biyahe kong iyon. Medyo delikado po. I’d rather keep it to myself muna. Sinamantala ko lang ang bakanteng araw ko habang nasa U.S. of A ang dalawang kong leading men (Diether Ocampo and Sam Milby) sa Only You na parehong nagsu-show roon that time. Walang ibang araw akong makukuha at kahit naman siguro kahit sino, gustong makita ang mga long lost kin niya. Bahagi ng pagkatao ko ‘yun. Alam kong kahit paano ay mabubuo ang buhay ko at iyon na nga, roots ko!”Katuwiran niya.

Kahit delikado, tiyak ni Angel na masaya siya sa resulta ng misyon niya. Nakita niya mismo ang isang bahagi ng Mindanao na kailangang asikasuhin ng ating pamahalaan. Wala siyang ipinangangakong kahit ano. Basta, naawa siya sa kanyang nasaksihan.

“Bahala na si Batman,” tangi niyang sagot.

Uso kay Angel ang “sharing” dahil sobra-sobrang blessing din ang natatanggap niya. Hindi lang tuluy-tuloy ang kanyang tagumpay sa pelikula at telebisyon, kundi natagpuan pa niya ang taong nakakatulong para makumpleto ang kanyang buhay, need we mention Luis Manzano pa ba?

MATAGAL KO NANG alam na si Carla Abellna ay apo ng isa sa dalawang “Movie Queens” ng LVN Pictures noon. Si Delia Razon, the other being Nida Blanca (SLN). Only daughter ni Lola Delia niya ang mommy niyang si Rhea.

Limang taong gulang pa lang siya ng magkahiwalay ang kanyang mommy at daddy na si Rey Abellana, pero walang bakas ng kalungkutang nadama si Carla noon at maging ngayon.

“Hindi naman po kasi ako pinagbawalan ng mom at lola ko na makipagkita ako sa Dad ko. Kaya, aware ako na pareho silang galing sa showbiz, kung kaya’t nandito rin ako ngayon sa showbiz. May pinagmanahan,” natatawa niyang pahayag.

Masayahin si Carla. Walang tanong na hindi niya sinagot. Including her past two boyfriends which revealed her real age.

“Wala po muna akong BF ngayon, but I had one when I was 18 years old. It lasted for two years. My secondnd boyfriend came along and lasted for five years. Kinailangang isakripisyo ni Carla ang kanyang lovelife dahil sa opportunity na makapagbida sa Rosalinda at maging leading lady ni Geoff Eigenmann.

“Kailangan kong maging practical,” patuloy niya. Mayroon naman akong trabaho after I graduated AB Psycology from La Salle, but I also had to leave it for this lead role. Ang dami-daming walang trabaho riyan na nangangarap magkaroon ng break sa showbiz. Tatanggi pa po ba ako, eh, heto na nga po ang dream came true ko, may bonus pang 12-picture contract with Regal Entertainment.

“I have to thank my good friends Cheska Garcia (who just gave birth to a baby girl) for introducing me to Arnold Vigafria. He immediately brought me to Regal, then scheduled me for an auddition sa GMA for Rosalinda and here I am, talking to you now in this fabulous presscon! Thanks to Arnold talaga.”

Carla was also quick to reveal na anim na movie actors ang hinahangaan niya ngayon.

“Sana makasama ko sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Dennis Trillo, Mark Anthony Fernandez, JC de Vera at si Jake Cuenca.”

Calling Jake. Imagine, ikaw lang ang pangalan na binanggit ni Carla among the Kapamilya actors. Bongga ka, ha?

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

3 thoughts on “Carla Abellana, type si Jake Cuenca!

Leave a Reply

Your email address will not be published.