Carla Abellana, tanggap na ang nabulgar na sexcapade nina Tom Rodriguez at Cai Cortez

Carla-AbellanaTinanggap at  inunawa ni Carla Abellana ang nabulgar na sexcapade ng rumored boyfriend niyang si Tom Rodriquez at Cai Cortez. Ayon kay Carla, wala siyang kinalaman sa kung anuman ang naganap kina Tom at Cai. Nakaraan na raw ‘yon ni Tom at wala pa ito sa buhay niya nung maganap ang anuman daw mayroon noon sa dalawa.

Hindi raw nawala ang magandang pagtingin niya kay Tom, lalo na at wala naman daw itong kagaspangan ng ugali na ipinakikita sa kanya. Puring-puri pa nga raw niya ang katangian ni Tom kaya nasabi niya na ang actor ang puwede niyang makasama nang matagal.

Samantalang maraming ginulat na press si Carla Abellana nang humarap itong super seksi sa nakaraang presscon ng serye niyang Because of You. Malaking factor nga raw si Tom sa magandang pangangatawan ngayon ni Carla. Ang actor daw ang nag-encourage sa kanyang magpapayat at mag-work-out. Hindi naman nabigo si Carla sa pinaghirapang pagda-diet at exercise dahil kitang-kita sa kanyang pangangatawan ang laki ng pinagbago nito.

Napangiti si Carla nang tanungin ng press kung puwede na bang lagyan ng label ang relasyon nila ni Tom ngayong magtatapos na ang taon 2015. “Puwede naman na siguro. Tignan natin,” aniya.

Isang taon nang malapit sa isa’t isa sina Carla at Tom Rodriguez at sa tuwing tatanungin sila kung sila na ba? Ang laging sinasagot nila ay masaya sila kung anuman mayroon sila. When asked kung magkasama ba sila ni Tom na magsi-celebrate ng Kapaskuhan, hindi masagot ni Carla kung magkakasama sila ni Tom sa Pasko, kasi naka-schedule ang actor na makasama ang kanyang pamilya.

 

SA STAR Magic Press Xmas Party, pinasaya ang lahat ng dumalo at imbitado dahil lahat ay umuwing masaya at naging malinis ang ginawang pa-raffle para sa press. Wala kasi sa naturang party ang pasimuno ng pandaraya sa mga okasyong may pa-raffle. Kaya masayang-masaya ang isang entertainment editor dahil wala doon ang kinasusuklaman niyang reyna ng mga scam.

Anyway, lahat ng press ay panalo kaagad pagpasok pa lang ng pinagdausang party dahil may sasalubong na kaagad na isang malaking bag na may laman ng sari’t saring giveaways. Matalo ka man sa malinis na pa-raffle, panalo ka rin dahil sa mauuwing giveaways na magagamit mo pag-uwi at white envelope.

Sa Star Magic at mga talents, Merry Xmas and Happy New Year!

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.