Carla Abellana, takot kay Marian Rivera?

Carla-Abellana Carla-AbellanaMAY ISYUNG tinanggihan umano ni Carla Abellana ang isang seryeng dapat sana ay pagsasamahan nila ni Dingdong Dantes. At ang dahilan ay natakot daw siya na baka pagselosan ng girlfriend ng aktor na si Marian Rivera.

“Hindi umaabot sa akin iyon!” nangingiting paglilinaw ni Carla. “Wala pong umaabot sa akin na offer na kahit anong teleserye.”

She is looking forward to working with Dingdong nga raw. At wala umano siyang nakikitang anumang magiging problema sakali mang magkaroon sila ng pagkakataon na magkasama sa isang project. “Matagal na. Matagal ko nang sinabi ‘yan, eh. Kahit naman sa pelikula, ‘di ba… open ako?”

May intriga ring hindi sila in good terms ngayon ni Marian? “Ayyy! Bakit? Meron lang nagpapaaway sa amin!” tawa ulit ng aktres. “Uyyy, okey kami ni Marian. And… we’re friends. She greets me. I greet her. Okey kami.”

Ang mga fans ni Marian, negative ang naging reaction sa minsang nai-tweet niya na something like… lola niya ang pinakamagandang babae sa mundong ibabaw. Inakala ng mga ito na si Marian ang kanyang pinapatutsadahan.

“Nasa mga fans ‘yon. Nasa kanila na iyon kung ano ang gusto nilang interpretation or gusto nilang bigyan ng ibang meaning. Basta sa akin, wala akong ibang meaning do’n. Hindi ko na kailangang idepensa pa ang sarili ko. Kasi parang… ano ako, guilty?”

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Carla Abellana, takot kay Marian Rivera?

Leave a Reply

Your email address will not be published.