Carla Abellana, promo lang daw ang awayang Aljur Abrenica at Geoff Eigenamann

Carla-AbellanaKAHIT NA may naglabasan na muntik nang magsuntukan sina Aljur Abrenica at Geoff Eigenmann nang dahil kay Kylie Padilla ay tigas pa rin ang pagtatanggol ni Carla Abellana sa boyfriend na si Geoff na pinopormahan nito ang girlfriend ni Aljur. Paniwala raw ni Carla na promo lang ang ginawa ni Aljur ng serye nito sa GMA 7.

Hindi raw affected si Carla sa ginawang interview kay Aljur na sangkot ang boyfriend niyang si Geoff na diumano ay madalas na pagte-text kay Kylie.

Totoo na may tampuhan daw sila ni Geoff pero naniniwala siya na maaayos din daw nila ng boyfriend kung anuman ang sigalot na namagitan sa kanila.

Ayon pa raw kay Carla, walang katotohanan na hiwalay na sila ni Geoff. At naniniwala na magkakaayos din sila ng boyfriend.

Samantalang ayon sa mga taong nakasaksi sa nangyaring paghaharap nina Aljur at Geoff ay seryoso raw ang dalawa at muntik na nga raw umabot sa hindi maganda kung hindi naging maagap ang mga tao nasa paligid ng dalawa.

Dapat na sigurong magsalita si Geoff para linawin, una ang tunay na kalagayan ng kanilang relasyon ni Carla at ikalawa ang respetong hinihingi ni Aljur.

Samantala, may nagparating sa amin na huwag na raw palakihin ang gulo para matapos na ang isyu dahil kapwa talent ng GMA 7 ang mga sangkot.

 

KAHIT ANONG intrigang ibato kay Senator Bong Revilla ay hindi nito napapabayaan magtaping ng kanyang Kap`s Amazing Stories na napapanood every Sunday sa GMA 7.

Kung nabitin kayo sa episode last Sunday ng KAS, this coming Sunday ay mapapanood ang part 2 na Jaws and Claws.

Nagpapakita ng mga weapons ng mga wild animal, tulad ng hayop na matinik ang buhok, ibon na ang tuka ay may pakiramdam, Pelican na may all purpose beak at hindi lumilipad na ibon na may pamatay na flying kick.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.