Carla Abellana, pinag-iisipan ang offer ng Dos

NEXT TO Iza Calzado, si Carla Abellana naman ang napapabalitang lilipat na rin daw sa ABS-CBN. Malapit na rin kasing matapos ang kontrata ng aktres sa GMA-7 at usap-usapang baka hindi na raw siya mag-renew dahil may offer ang Dos.

“Hindi ko pa nababasa ‘yong offer ng ABS-CBN. Although I’m aware na meron, hindi ko pa nababasa,”  ani Carla nang mausisa namin kamakailan tungkol dito.

Pero nag-meeting na raw sila ng management ng Kapuso Network tungkol sa bagong kontrata para sa kanya.

“Iyon ngayon ang niri-review ni Tito Arnold (Vegafria, her manager). So, gano’n… puro meeting, meeting, meeting.  Review, review, review ng kontrata, gano’n. And nag-ask ako for time off na magpahinga after Kung Aagawin Mo Ang Langit. Humingi ako ng ilang linggong pahinga para rin ma-take ko ‘yong opportunity na makapag-isip din ako at ma-clear ko ‘yong head ko. Pero nasabi ko na rin naman, my heart is in GMA. But, I will be honest naman, kaila-ngan kong i-open ‘yong mind ko sa ibang offers. I’m not saying… babay (sa Kapuso Network). Hindi naman. Kumbaga, at this point in my life, ano, eh, kailangan mong i-open ang mind mo. Na, i-consider ‘yong iba, ‘yong plano ng iba, ‘yong offer nila. So, that’s why I asked for some time off para makapag-isip talaga ako. Of course, sabi ko nga, hindi na ako bumabata. Hindi naman ako puwede na teeny bopper forever. Siyempre I’m also thinking about my own future. Security ng future. Eventually, I would want to settle down also. ‘Yong mga gano’ng bagay. So, ang hirap ng… kailangang i-weigh mo ‘yong options mo. Tapos, ang daming kailangang pag-isipan.”

She’s been looking forward daw to work with other leading men.

“Oo naman! Kasi halos buong career ko, si Geoff (Eigenmann, boyfriend niya) ang kapartner ko onscreen, eh. Sa ngayon, sa Kung Aagawin Mo Ang Langit (patapos nang afternoon soap ng GMA kung saan siya ang bida), si Mike Tan. Ang dami-dami pang ibang leading man na gusto kong makatrabaho. At marami pa akong gustong gawin sa career ko. Siyempre gusto kong ipagpatuloy ‘yong drama. Gusto kong mag-try ng comedy. Gusto kong mag-hosting pa sana.

May balita lately na isa raw siya sa pinagpipilian na maging leading lady ni Richard Gutierrez para sa bago nitong gagawing soap.

“Ah, nabanggit naman ‘yon during the meeting with GMA. Isa nga iyon sa parang options na, what they have to offer to me. So, that would be nice also. Working with Richard for the first time.”

Ano naman ang plano nila ni Geoff ngayong Valentine’s Day?

“Baka manood kami ng show. Meron akong nakita na show na lalabas sa Valentine’s na parang theater performance. So, sana mapuntahan namin iyon.”

 

HINDI RAW inasahan ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Attorney Persida Acosta na darating ang panahong magiging kilalang TV personality siya. Nagsimula ito sa daily appearance niya sa Face To Face ng TV 5 bilang isa sa mga Trio Tagapayo. Kasunod nito ay ang pagkakaroon niya ng sariling programa sa Kapatid Newtork, ang Public Attorni na ngayon ay araw-araw nang napapanood sa Kapatid Network kada 4:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Kapag lumalabas daw ngayon in public, magugulat daw siya na talagang marami na ang nakakakilala sa kanya.

Makulay ang success story, galing siya sa isang mahirap na pamilya sa Bataan. Noong bata pa siya, naranasan niyang magtinda ng mga kakanin para lang makatulong sa pamilya.

Pero sa kabila ng kahirapan ay sinikap niyang makapag-aral. Nakatuntong siya ng kolehiyo at nakapagtapos ng abogasya sa pamamagitan ng scholarship.

Wala bang lumalapit sa kanya o nag-aalok na gawing pelikula ang lifestory niya?

“Meron na po. Si Mr. Carlo Caparas. Pero, wala pang pormal na usapan talaga.”

Sino naman ang gugustuhin niyang mag-portray ng kanyang character sakaling matuloy nga ang pagsasapelikula ng buhay niya?

“Puwede pong si Lorna Tolentino. O si Sharon Cuneta. Puwede ring si Nora Aunor. O si Vilma Santos. O kaya si Alice Dixson.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

20 thoughts on “Carla Abellana, pinag-iisipan ang offer ng Dos

  1. haliparot, how did your parents raise you? Do you have a broken family? Just asking cause it might be what’s causing a lot of bitterness inside you. Don’t worry, you are not the only person on earth with so much unhappiness in life, me too, but you can pull yourself up by being positive and nice. Trust me, you will really be a lot happier if you change your attitude. Someone once told me that if you cannot change the situation, you might as well change your attitude towards the situation so that you can move on with your life and you can find peace in yourself. You should do that haliparot. Life is too short, being mean does not necessarily means that you are above and superior to anybody. It just means that you are harboring a lot of ill feelings inside you because you have so much hate in life. Try going to church about an hour before the regular service starts so you can pray hard and ask for forgiveness. Peace.

  2. @ pwe, bakit naging haliparot yong username mo doon sa isang article about Nadia and Annabel. Yong picture icon ni haliparot at yong picture icon mo sa itaas ay iisa lang. Wise ka talaga pwe, tsk, tsk, tsk. Nice try pwe. hehehehehehehe,, busted!!!!!!!!!

  3. At pwe, it’s normal for ebak (feces that is) to come out from our body otherwise it will make us sick if those waste will stay inside our body, right? So right on, you are smart.. hehehehehehe…

  4. @pwe, okay lang yon, thanks again, hehehehe. I’m not a bitter person and these are just comments, hindi yan makabawas sa pagkatao natin, you keep your bitterness and i will keep my happiness. Hope you will wake up happier tomorrow, hehehehe…..

  5. ayon nga sa mga balita, walang offer ang abs kay feelingerang carla! napakaambisyosa nitong impaktang toh! besides, hindi naman kawalan sa syete kung mawala ka man, hindi ka naman nakakadagdag sa ratings game at hindi ka rin kadagdagan sa dos dahil marami nang mas magagaling na artista sa dos gaya nila angel, anne, angelica, bea, kim at iba pa na mas may appeal at hindi lang pretty faces! dun ka na lang sa tv5, puro unknown at laos na!

  6. FEELING SIKAT NAMAN BAKIT KA NAMAN OOFFERAN NG DOS CARLA?? E TATAY MO LANG INOOFFERAN NG SHOWS SA ABS.. BEST ACTRESS KA NA BA TEH??? ILUSYUNADA KA PALA.

  7. hay nako kapamilya.. kahit tanggapin pa ni carla ang offer ..kung hindi naman bukal sa loob nya yun e mabuti pang kalimutan nyo na lang.. bakit kelangan pang offeran yan e siksikan na nga sa abs a.. kukuha na naman ng kung sino sino ..

  8. bwahahaha!parang t a n g a lang tong si Shebie. nag comment gamit ang name na Marietta tapos mag aagree sya sa name na Shebie!luka luka!hahahaha

  9. BRAVO! MARIETTA, TAMA KA AT DAPAT MAG DISCOVER NA LANG SILA NG STARS ALTHOUGH WALA NG PAPANTAY PA KAY MARIAN THE NUMBER ONE!!!!!!!!!!! CARLA, STAY KA LANG SA GMA THE NUMBER ONE NETWORK AT HUWAG KA LILIPAT SA KAPANGITYA NETWORK KUNG AYAW MO MALAOS………..HAHAHAHAHAHAHAHAHA

  10. JUST MY OPINION – CARLA IS NOT AN ASSET WITH THE NETWORK CONSIDERING HER ACTING AND BEHAVIOR. SHE IS PRETENDING A HIGH CALIBER IMAGE THAT IS IRRITATING! SO IF I WERE GMA I WOULD LET HER GO AND DISCOVER LIKE MARIAN RIVERA THAT IS UNQUESTIONABLY ‘ A BRILLIANT STAR FROM HEAVEN’

  11. Na buking na ang style ni Carla at ng manager niya, wala pala offer sa kanya ang ABS kundi si IZA lang hahaha… panluluko na yang ginagaya ng mga artista na yan, Kunwari marami ino-offer sa kalaban network para before mag expire ang contract siguradong 3x na ang talent fee plus maraming projects…. Dapat nag -iingat na ang mga BIG BOSS ng NETWORK (GOZUN, LOPEZ, PANGILINAN)  sa mga artistang SUGAPA SA PERA. Pag meron nag -iinarte at NAGPAPATAAS NG TALENT FEE dapat sinisipa na lang palabas. Mula nung nagkarun ng malaking talent fee si SHARON AT NORA. Halos lahat na ng artista ngayon gusto rin gumaya. Lahat gusto rin meron 3x talent fee. Nagkarun lang ng movie at teleserye lumalaki na kaagad ang ulo. Ilang beses ng nasusulat sa mga website tungkol sa mga ginagawang panluluko ng mga artista sa network nila na kunwari meron offer sa kalabang network kahit wala naman. Nabibiktima naman dyan ang mga executive/boss dahil ang akala nila ay meron talagang napakalaking offer at maraming projects kaya ayun 3 or 4x talent fee ang kinalabasan.. Sana matuto na dyan sila LOPEZ, GOZUN AT PANGILINAN. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.