Carla Abellana, nilampaso ni Angel Locsin!

HE SANG FOR the world, then it was the world’s turn to sing for him.

Mag-aalas-kuwatro na ng umga batapos ang GMA coverage ng memorial service para kay Michael Jackson, talbong ang walang Tulugan with the Master Showman ni Kuya Germs! Overall, hindi batbat ng nag-uumapaw na emosyon ang naturang event with alternating eulogies and song number. Para ka lang ding nanood ng isang concert save for the imposing casket na kinalalagakan ng mga labi ng tinaguriang King of Pop.

Kani-kaniyang anekdota ang ibinahagi ng mga nagsalita, most unnerving of which para sa akin ay ang ikinuwento ng Blue Lagoon star na si Brooke Shields who met MJ when she was 13. Trivia ‘yung rebelasyon ni Brooke  (who cried a brook) na ang paboritong awitin ni MJ ay Smile, that seemlessly segued to Jermaine’s (kapatid ni MJ) rendition of the song.

Sinisipon na ako, lalo pa tuloy akong sinipon! ‘Di ko keri ang lakrimosang eksenang ‘yon, before I knew it, I was crying even a larger body of water than Brooke!

Kuwarenta’y siyete na po ang inyong lingkod, tatlong taon lang ang agwat namin ng aking idol whose songs like Ben, One Day In Your Life, to name a few, I would sing during my teenage years.

Pero higit sa GLOVE na suot-suot niya ang maaalala ko kay Michael, ‘yun ay ang kanyang LOVE, the very seed of it that he sowed all over the world.

TIYAK NA DISMAYADO ang GMA-7 dahil kinabog ng Only You ang inaasahan pa man ding bonggang-bonggang ratings ng pilot episode ng Rosalinda. Very ironic naman kasi. Excited dapat ang mga viewers sa bagong putaheng ito ng Siyete,what with all the hype and hyperbole para i-promote ito as opposed to Only You na kung tutuusi’y patapos na.

WWW… as in what went wrong?

Kung tutuusin pa rin, mukha namang may promise ang tambalang Geoff-Carla, a refreshing tandem na puwedeng sumunod sa mga yapak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. But it still takes a powerful trio in Angel Locsin, Sam Milby and Diether Ocampo to nail it down in the ratings game.

MAGANDANG BALITA PARA sa mga kababayan natin diyan sa Kyusi. Ang numerong ito na 9220876 ay susi para sa libreng operasyon sa mga may harelip o bingot, with matching libre pang speech lessons matapos ang procedure.

Just look for Eric Ibanez or Gaile. Nope, hindi po sila ang mag-oopera. Sila ang hanapin n’yo sa nasabin numero dahil another serbisyong publiko na naman ito ni Quezon City councilor Aiko Melendez sa pakikipagtulungan sa IZOD at PBM, whatever those acronyms satand for.

Ang maliwanag, ang stand ni Binibining Aiko na lalo pang ipagpatuloy ang mga makabuluhang gawain para sa kapakinabangan ng kanyang constituents.

by Ronnie Carasco

loading...

65 thoughts on “Carla Abellana, nilampaso ni Angel Locsin!

  1. Nung Marimar, Mega and Nutam number 1 and Marimar. Pero this show kahit sa Mega hindi maka-abante.

    Kulang siguro sa rasyon ang AGB.

  2. Walang binatbat ang uling u kay Rosalinda from Tues to Fri, talo si Anghit.
    Si Carla pa nga lang, di na naman nakita si Anghit.

  3. BOBITA ka bangenge “break a established show”…bobo mali pa english mo may nalalaman ka pang DISASTER dyan…DISASTER UR ASS!!! mas maganda ng malayo ang story ng ROSALINDA kesa ONLY YOU…mali lang tlaga ung pinapanood ng tao…taz hindi boring sa carla,…ndi nyo lang tlaga alam i-appreciate ung ginagawa ng tao,..pati rin naman c angel locsin boring din noon…kaya better keep quiet n lang wag ng mag comment

  4. how could an experimental tandem in Carla & Geoff break a established show? come to think of it- Carla looks so boring, while Geoff still having difficulty executing his line, so what to expect? D-I-S-A-S-T-E-R!

  5. Nakakaantok kasi yung bida. Di katulad ng Marimar. Medyo boring itong si Carla.

    Sana si Carla si darna at si Marian si Rosalinda. Mas maganda siguro.

  6. mababa ang rating kasi kinuha pa si makating”Katrina Halili maramaing buwisit sa kanya. Kahit ako I’m not going to patronize ang sinungaling na bruhang yan too bad sa baguhang Carla nadamay tuloy…

    • Mabait sa Only You series but in person…malay natin. Pero balita ko ay maraming inis doon sa dati nilang tinirhan pati doon sa tintatag niyang para sa youth ay mga galit sa kanya at hindi na daw nakaala-ala. Well, kwento lang ng dati niyang neighbor.

  7. kung talagang mgnda naman ang rosalinda. eh di wag niyo na ipagtanggol. hindi naman totoo ung article e. dba. sbe nio.? eh bkit naguubos p ng oras dito. maxadong defensive. hindi pa makuntento sa palabas nila. pati si angel. lalait laitin pa. kala mo kung sinong magagaling na tao. wala namang magawa kundi manira ng iba. wala naman silang karapatan.

  8. @marian: helmet….

    pinaglumaan na ang balita na to… 4 days na po na nilampaso ng rosalinda ang uling you.

    asan na kaya ang pa thanksgiving mass, paburger, pa boy bawang at ang paglulundag? ahahahaha…. magcelebrate kayo!

  9. Go Rosalinda! Di man lang makaalagwa ang Only u sa iyo. Talo na ang uling u at least ang GMA7 di agad-agad ng papaka-oa na thanksgiving party at praise release kahit na 4 days ng talo ang Only u kasama na Friday dyan. Eh sa Chan.2 makalamang lang kahit isang araw over at oa sa praise release w/ matching party haha. Takam na takam kasi sa victory. Sabi nga ni Angelina ” U ARE SUCH A LOSER YAYA!haha

  10. Hay naku pinaglumaan na ang artcle na eto halatang bakla at biased ang nagsulat.
    CORRECTION: NILAMPASO NA PO NG ROSALINDA ANG ULING U. imagine ang layo nang agwat ng Rosalinda 1-6 points grabe tinalo si Uling u ng bago kasi naman wag nang magpumilit at mag-ilusyon na babalik ang dating kasikatan ni uling u.

  11. Gabrielle, I like your comments. You seem to be the type that keeps an open mind. I enjoyed your comments.

  12. mahirap talaga taluninang shows ng ABS ngayon especially may bukas pa, tayong dalawa and only you.

    no matter what the angel-haters say, malakas talaga ang appeal ni angel and she’s entertaining to watch. siempre add to that sam and diet. winner ang combination.

    i had high hopes for rosalinda kasi i liked the original. but it failed to meet my expectations.

  13. @just an oserver

    tumahimik ka nalang na bakla ka…

    and by the way, kung mag-e-english ka, atleast spell it right! “oserver”

    pareho kayo ng idol mong si Matandarna, “Very pective”
    hahhahaha

    hahhahaa wawang bakla…mag-celebrate ka mag-isa mo hahhaha

  14. naawa ako sa trying hard writer na ito…tsk tsk.

    he based his article on the ratings published for the july 6 episode and he published it on July 10 without knowing that on the 2nd day of showing onwards, e umakyat at umakyat na ang rosalinda… di man lang nag-update… or sadyang di nagbasa ng ratings on the succeeding days to have a report that would mind condition the readers na nilampaso nga ng uling you si rosalinda

  15. noong lumamang ang ABS sa ratings, nagpa thanks giving mass at nagpaburger si aling charing at nagpa boy bawang at naglulumundag sa tuwa without questioning the integrity of the survey firm. now that nilampaso na ng rosalinda ang only you from day 2 onwards, marami nang kumwestion sa integrity ng ratings… kesyo may bayaran…etc etc… katawa kayo ha! mga double standard! mga walang paninindigan… kung ayaw nyo maniwala sa AGB ratings, e di wag! at wag din kayo matuwa kapag lumamang kayo…

    kung ang argument nyo is “kaya tumaas ang ratings dahil nagpamudmod ng money ang GMA7, does it follow na nagpamudmod din ng pera ang ABS nung time na lumamang sila sa ratings?

  16. maganda talaga ang original pero itong Roslinda sa GMA AS IN BIG BORING…………….HINDI bagay na maging Fernando Jose c Jeff mas bagay pa yong rule nya sa LOBO/………………Sorry sad to say ang expectation ng GMA mali…..hindi papatok to

  17. wawa naman. kasama na nga sa network. ganun pa din. hinid din kasi tatagal. lalabas din ang totoo. kahit anung gawing pagtatago.

  18. Totoo ba yan?! At hindi kathang isip lamang? Sige, name your source!
    Yang si Ronnie Carrasco, dapat tinatanggal na yan sa GMA kasi katulad yan ni Angel na walang utang na loob. Sino ba nagbigay sa kanya ng trabaho? Di ba nasa Startalk siya? Pero wala siyang ginawa kundi siraan ang shows at talent ng GMA. Mabait lang siya sa mga talents ni Lolit solis. Sino-sino ba kaibigan ni Ronnie? Si Jobert, si Cristy Fermin, si Ogie Diaz, puro taga Dos! Tatanungin mo pa ba kung bakit ganyan siya magsulat. Birds of the same feather, flock/write together.

  19. bugok pala kayo eh.. ginagawa ng AGB na taasan ang ratings ng mga palabas sa dos para isalba ang NAGHIHINGALO nilang REPUTASYON… wala nang naniniwala sa mga datus nila… wala as in wala…

    kaloka.. isang source nagsabi sakin, isang executive ng SIYETE ang nagpamudmod ng pera sa isang grupo ng mga tao para lang maging commentors dito at sa ibang showbiz-oriented website para siraan ang mga taga dos, which is really freaky… sinetch ba yang executive na yan? so evil… right mam wilma?? hahahahahahahahahhahahahahah

  20. asus. agb ba nag source ng ratings. para namang kapani paniwala pa yun. at isa pa. kung kapuso writer nga ito, eh di dapat sinisiraan niyan si angel.? ganun naman ung mga yun e. lahat na. pero bakit hindi niya ata sinisiraan.? ibig sabihin. malaki ang posibilidad na totoo. kapuso nga siya e. bkit nia kakmpihan si angel. mag isip nga. pagmamalaki nio pang kapuso writer yan e di lalo niong sinbi na tlgang gawain ng mga kapuso ang sirain si angel sam ta ng publiko.

  21. isang araw lng yan nilampaso na! grabe naman yung baklita na toh..

    eh nung tuesday hnggang thursday
    yun ang tntwag na lampaso!

  22. bayaran ni angel yung ronnie carasco na toh
    naturingan pa namang kapuso

    impaktang bakla ire
    nilampaso daw!

    bka si Linda Alukin ang mukang lampaso!
    bayaran!

  23. Oy, gising! Isang araw lang natalo ng Uling You, este, Only You ang Rosalinda. Mga sumunod na araw, lampaso na ang UY, este OY.
    Hindi raw naniniwala sa ratings… Hohum..

  24. tingnan nyo ngaun kung sino na ang nilampaso…

    Pustahan! now na tumaas ang rating ng rosalinda, di na naman maniniwala sa ratings ang mga kakampi sa kabilang network. Pero nung lamang sila, halos lumundag pa sa building sa sobrang saya…

  25. I tried to watch Rosalinda on her first episode. Medyo kailangan pa niya ng workshop. Nakakaantok siyang panoorin. GMA should have chosen Marian over this girl.

    And please paki-remove na lang yung flower sa hair niya. Kung Filipino remake ito, wala namang babae sa Pinas ang may flower sa hair unless luka-luka ka.

    Eto lang ang nakakabwisit sa GMA. Maganda sana yung show kaya lang ginagawang tanga yung viewers.

  26. carla abellana is pretty pero she lacks talent which i believe naman eh mahahasa lalo sa mga workshops.she’e still a beginner kaya hindi pa nya maproove ngayon sa viewers na deserving sya sa role na rosalinda.pero i agree na sana c marian nalang ang nag rosalinda kasi i know that she will give more justice to the character.

    i am an avid viewer of only you,really.fan talaga ako ni angel eversince nasa click pa xa.pero nung mag start ang rosalinda switching channels ako ng monday-wednesday,pero nung nag thursday na,parang na dry-an na ako sa acting ni carla.mas nafifeel ko pa c sheena halili at mr. roderick paulate.

    promising ang cast ng rosalinda.mgagaling na artista ang kasama ni carla.kaya ms. carla you should double,triple your effort para makipagsabayan sa galing nila para di ka iwan.kayang kaya mo yan!tamo pasasaan ba at para ka na rin ni marian at angel na sikat sa primetime.

    goodluck sa lahat ng primetime kapuso or kapamilya!

    GOD BLESS YOU!

  27. hahahaha, nanaginip yata sumulat nito!

    kawawang mga kanguso, hindi matanggap na FLOP ang Rosalinda! hahhahaa

    pilot = #5 hahahahhaa wawa naman!

  28. ONLY YOU is a very well made teleserye. Isa sa mga pinakamangandang show sa ABS.

    The good thing about this show is hindi ginagago ang mga viewers at nakaka-relate ka sa every scene.

    I think GMA should invest their income to hire good writers like in ABS.

  29. walang kakabog kay angel locsin! pwede ba, wala pang napapatunayan yang carla na yan! tsaka mukhang tuod umarte ang starlet na yan!

  30. parehong maganda ang rosalinda at only you. wag na kasi mag away, alam ko naman na hindi lahat ng show dun mo lang sa kapuso or kapamilya pinapanood noh. impossible.

  31. Luma na po ito try nyo po tingnan rating ng martes hanggang hwebes

    TANGA mo Ronnie Carasco bago palang kung maka react ka

  32. Give it time. Masyado naman mataas ang expectations niyo eh baguhan pa lang. In a month tignan niyo tataas na rin ang ratings ng Rosalinda. Sana bigyan na rin siya kaagad ni Mother Lily ng movie under Regal. Si Katrina kabayo pa rin

  33. Carla is very very pretty pero parang may kulang sa kanya. isa pa dapat mag-invest siya sa accessories kasi di na uso ang style ni Nora Aunor na simple ka lang. she shld invest on make-up artist, although she doesnt need much she has to wear the right make up. she has elegant taste like Mikee Cojuangco, but you dont demand so much from Mikee kasi alam mo nang well-to-do siya. in showbiz, image and looks are everything, secondary na lang ang acting o talent.
    dapat marunong siyang sumakay, gayahin niya iyong partner niyang si Geoff, marunong mag-pakilig ng fans.
    sa showbiz kailangan marunong kang mambola ng fans.
    Good luck Carla!!! one more thing, do something with your neck it would be an asset if you are a model because it’s rather long but on screen it’s maing you look old kasi parang leeg ng matanda. sana di ka magalit sa comment ko. i like you kasi pretty ka na matalino ka pa.

  34. Ang Marimar used to be no. 1 sa NUTAM and Mega Manila. But this show cannot even compete with BOF and Zorro.

  35. Mas maganda ang Marimar. May chemistry talaga si Dong at Yan. Magaling pang umarte. Pero itong si Carla, inaantok akong panoorin. Dapat mag-workshop pa siya.

    • Boring..pinapatay namin agad kasi ay boring at saka hindi bagay si Anghit kay Sam kasi ay Lesbian si Anghit at ang BF pa niya ay bading..si LUISA ba. Tomboy at Bading…magandang tv series iyon.

      • siguro mas boring ang mukha mo…hindi ka kawalan kung patayin mo man ang tv ninyo, SCATTER HEAD!

  36. Dapat ang title: Rosalinda nilampaso ang Only u noong Martes, Miyerkules at Huwebes. Hoy Ronnie, may bagong ratings na, anong petsa pa yang sinasabi mo.

  37. as a kapuso,im so disappointed din..to think na pilot episode yun..a big remake..full of promotions pero yun nga khit mag no.2 man lng sa mega manila ay hndi mgawa,WATZ MORE SA NATIONWIDE RATINGS???!!!!

  38. Sa pilot oo nga, mas mataas ang Only u pero by point lang pero nung Tuesday at Wednesday lalong nung Wednesday 5.6 ang lamang ng Rosalinda no.

  39. I like Rosalinda kasi fast-pace, magagaling veterans lalo si Roderick katuwa ang pagiging gay, maganda ang kanta, at nice ang new twist ng story. Hoy Ronnie, diba nagtatrabaho ka pa amndin sa Startalk pero wala kang loyalty sa mga amo mo, nakaka-disappoint. Lumipat ka nalang sa kabila di ka nakakatulong sa GMA7. kung wala kang masabing matino manahimik ka, isa ka sa mga naninira sa mga artista ng Kapuso tuwa ko lang pag nagbako ka kasi dapat di ganyan, kung walang magandang sasabihin wag nang gumawa ng balita or sana pag di ka nagbago, may magpetisyon sayo na paalisin ka sa trabaho mo sa GMA7. Walang loyalty parang si Anghit.

    • SA SINABI MO PINATUNAYAN MONG BAYARAN ANG MGA WRITERS NG GMA-7. Di ka nag iicp sa mga sinasabi m0. Isa ka sa mga typical KAPUSO BONGERZ.

  40. pilot episode, oo. pero pero last Wednesday night, from AGB ang layo ng lamang ng Rosalinda sa Only You

    Rosalinda 28.9% vs. Only You 23.3%

  41. Sa totoo lang ang boring ng Rosalinda! Sana nga si MArian na lang uli gumanap don eh! Mas iba ganda ni Marian! Any angle ng kamera maganda unlike Carla, may mga angle na hindi sya ganon kaganda! Opinyon lang po….

    • Pareho silang karisma sa amin dahil Kapamilya lang kami. Pang local lang kayo…Kami na kapamilya ay pang global at saka iyong star ninyo ay naglilpatan na sa 2. Ang natitira na lang sa inyo ay iyong mga laos at mga pang supporting lang ng 2. NGEE!

      • Lorena, kapamilya din ako! sa you tube ko nga lang watch Rosalinda eh! curious lang ako…sa primetime tlaga wagi ang Channel 2! But eventhough I don’t watch Kapuso show, I still like Marian kasi she’s really beautiful naman tlaga! wish ko nga lumipat siya sa 2 para sumosyal lalo ang byuti nya! yun lang po!

Leave a Reply

Your email address will not be published.