Carla Abellana, nakaplano na ang dream wedding

NAGSIMULA NANG umere ang seryeng Forever na pinagtatambalan nina Geoff Eigenmann at Heart Evangelista. Ang girlfriend ni Geoff na si Carla Abellana, kung may pagkakataon ay gusto raw matutukang panoorin ito.

“Actually isang episode pa lang ang napapanood ko,” sabi ng Kapuso actress. “Nakakaiyak ‘yong part na binugbog ‘yong character ni Geoff. Tapos pinaghiwalay sila ni Heart. Nakakaawa. Sobrang convincing.

“Fan ako ng tandem nina Geoff at Heart. Inggit ako sa kanila. Hindi dahil sa magka-loveteam sila. Kasi ang ganda ng chemistry nila.”

Maganda rin naman ang chemistry nila ni Geoff bilang lovers sa totoong buhay, ‘di ba?

“Siyempre maganda. Oo. Totoo ‘yon!” nangiting pagsang-ayon ni Carla. “Okey naman po kami sa ngayon. Busy siya sa Forever. Ako naman, busy sa other works at endorsements.”

Malapit na ang Valentine’s Day. Ano ang kanilang plano pagsapit ng araw na ito?

“Wala pa. Hindi pa naming napa-uusapan. Hindi ko na maalala kung ano ang ginawa namin sa Valentine’s Day last year. I think may taping ako no’n. At saka, hindi naman kasi kami ‘yong type na ma-date, eh. Kapag ano lang… anniversary, ganyan. Pero ‘pag Valentine’s Day, hindi masyado.”

Ano ang pinaka-sweet na nagawa sa kanya ni Geoff na talagang nag-marka sa kanya?

“’Yong nagharana siya. Hindi siya mismo, pero nag-set siya ng harana sa taping one time. Birthday ko ‘yon. No’ng mismong midnight. Nasa taping kami. Habang nagsi-set up pa sa susunod na eksena, may in-arrange siyang harana sa balcony ng location kung sa kami nag-taping. Cute. Super-cute! Harana na may violin pa. Ganyan. Tapos may flowers pa. Iyon ang pinakatumatak talaga.”

Sa ngayon, parang ang hinihintay naman ng marami ay ang pagpu-propose  ni Geoff sa kanya.

“Ewan ko. Bakit ako ang tinatanong n’yo?” natawang sabi ni Carla.

Sa isang interview kamakailan, may nasabi si Geoff na if ever daw na mag-propose ito, gusto nitong within three to six months ay kasalan na.

“So, that means na kumbaga, we’re taking our time. Para kung dumating man ‘yong day na ‘yon, dire-diretso na. Na bago pa siya magpu-propose, dapat nakaayos na lahat. Or secured na lahat. So, matagal pa bago ‘yong time na ‘yon dumating.”

Ang feeling ng marami, sila na nga raw ni Geoff fang magkakatuluyan.

“Eh, ‘di sana naman! Di ba? Huwag lang nila feeling. Ipagdasal din sana nila.”

Pero ready na siya in case mag-propose na si Geoff?

“Hindi pa. Definitely not now. Not soon. So, hindi pa. Ang dami pang kailangang ayusin. Bago ako maging prepared for that.”

May dream wedding set-up na ba siyang naiisip?

“Sus! Bata pa ako, may dream wedding na ako. Dalawa kami ng ate ko!” sabay tawa na naman ni Carla.

“Alam ko na kung sino ang videographer, ang florist, ang photographer. Groom na lang ang wala. At saka date. Siyempre church wedding ang gusto ko. Dahil ako’y Catholic. Importante ‘yon. Kahit sa pinakamaliit na simbahan,” nakangiting sabi pa ni Carla.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Carla Abellana, nakaplano na ang dream wedding

  1. PUBLICITY WHORE??? NAKU CARLA TRY MO MUNA PALIITIN PATA MO!!! MGA STARLET NG GMEEEWWW NAGAWA NG SARILING ISYU YUCK!!!

  2. sa totoo lang magaling namang artista si carla pero hindi nagagamit ng tama dahil hindi marunong magpalabas ng tunay na talent ang gma-7, dapat lumipat na lang siya sa abs para mas lalo siyang mag-shine

Leave a Reply

Your email address will not be published.