Carla Abellana, nagpakita na naman ng ‘di kagandahang ugali sa press?!

MABAIT NAMANG TAO si Carla Abellana, at hindi pa talaga siya ‘yung tipong showbiz na showbiz, kaya tanggap din naman niya ngayon ang kanyang pagkukulang kung magandang PR ang pag-uusapan. Nagsisimula na nga siyang matuto sa kanyang mga nararanasang intriga habang nagpapatuloy ang kanyang pagsikat.

Kaya kung nasilat man siya ka-tulad sa naging alitan nila ng bete-ranong kolumnistang si Mr. Mario Bautista, bigyan pa rin naman natin siya ng pangalawang pagkakataon para patunayan ang kanyang sarili pagdating sa pakikisama.

Nakalulungkot nga nitong huli, dahil isang kasamahan din sa panulat na si Tita Len Llanes ang nabaliw kay Carla, dahil nagpakita raw sa kanya ng ‘di kagandahang asal ang magandang aktres nu’ng iniinterbyu niya.

Parang wala raw tiyaga ang dalaga na sagutin ang kanyang tanong, dahil paulit-ulit na raw iyong nasagot ng girlfriend ni Geoff Eigenmann. Sayang! Si Tita Len pa naman ‘yung tipo ng writer na kapag nakitaan ng magandang asal ang isang artista ay minamarkahan at talagang minamahal ng kanyang panulat.

Hindi pa huli ang lahat para kay Carla. Tinuturuan naman siya ng kanyang lola at beteranang aktres na si Miss Delia Razon ng magandang PR sa mga taga-showbiz. Ang daddy niyang si Rey PJ Abellana ay maganda rin ang PR. Huwag na ring lumayo pa si Carla ng magtuturo sa kanya ng pakikisalamuha sa press. Dahil ang boyfriend niyang si Geoff ay ma-PR din at hindi siya nagpapakita ng pagkapikon sa press kahit iniintriga na siya, ugaling nakuha naman ng binata sa kanyang mga magulang na sina Direk Gina Alajar at Michael de Mesa na magagaling ding rumespeto at makisama sa mga manunulat.

 

PAREHONG IPINANGANGALANDAKAN NINA Sarah Geronimo at Ge-rald Anderson na wala sila ngayon sa loob ng isang pakikipagrelasyon. Pero hindi pupuwedeng sabihin na walang magagandang babae na bukas ang posibilidad para maging bagong kasintahan ng guwapong aktor.

‘Yun nga lang, aminin man o hindi ni Gerald, kabado pa siyang muling makipagrelasyon pagkatapos ng hiwalayan nila ni Kim Chiu. Wala naman sa personalidad ni Sarah ‘yung basta na lamang maghanap ng bagong boyfriend pagkatapos ni Rayver Cruz.

Muli na namang magkakasama sa movie sina Sarah at Gerald. Pero kumita naman ang unang movie na kanilang pinagsamahan kahit hindi sila nagligawan. Kaya sa kanilang muling pagtatambal, hindi rin daw sila magpapaasa sa kanilang mga fans na posibleng ang inaamin nilang closeness sa ngayon ay mauwi na sa ligawan. Kaya nga puro ngiti mula kay Gerald at bungisngis naman mula kay Sarah ang ibinabalik nilang reaksiyon kapag mayroong mga na-ngangantiyaw sa kanila kung bakit hindi na lang maging sila, gayong si Rayver ay may Cristine Reyes na at si Kim naman ay wala munang panahon sa lovelife?

Lapitin si Gerald ng kababaihan, dahil guwapo siya. Dahil naman sa kanyang kasikatan, maingat si Sarah na baka magamit lang siya ng mga guwapong kalalakihan sa showbiz na ipinangangalandakan ang paghanga sa kanya.  Pagkatapos ni Rayver, ang susunod na lalaking pinapangarap niyang makarelasyon ay isang guy na ang uunahin munang ligawan ay ang mga magulang ng Pop Princess. Nang sa gayon daw ay sila muna ang magkapalagayang-loob. Mahirap nga namang makipag-relasyon sa isang lalaki kung kumokontra ang kanyang mommy’t daddy.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

10 thoughts on “Carla Abellana, nagpakita na naman ng ‘di kagandahang ugali sa press?!

  1. Sige hindi na starlet, walang “K” nalang. Natawa ako ng papirmahin si Carla ng Regal ng 20+ movie contract noon dahil sabi ng GMA7 next MR daw. Pero nagkamali sila dahil wala palang dating sa tao ang babaeng ito. kaya yung movie na sinasabi na gagawin ni dapat sa Regal na naglaho lahat. lol

  2. hindi ng amaganda yung encounter niya kay mario baustista pero san naman ay hindi siya pag-initan ng mga writers..lumalabas kasi na pinagkakaisahan niya..okay nga si carla ehh, edukada at hindi plastik

  3. Very forward lang si Carla, siempre graduate ng Ateneo. eh sa showbiz uso ang plastican, nakatawa at napakabait sa fans at press people pag talikod minumura kayong lahat.Hindi pa ready ang Pinas ng diretsahan dahil napaka sensitive ninyo.

  4. NO COMMENT WALA PA NMAN SYANG MASAMANG TINAPAY NA IBINATO KY MARIAN KYA NO COMMENT NA LNG! I LIKE HER THE WAY SHE TALKS YON LANG!PERO HINDI NYA KO FAN C MARIAN LNG TALAGA ANG LA LOVE KO@ SI DONG,RICHARD GUIT.DENNIS TRILLO NADENE SANA KASO NSA T.V5.>>>> sa YOUTH nman c kathryn bernardobabet forteza:))))

  5. BAKIT SI CARLA HABANG TUMATAGAL NAGIGING MUKHANG MATANDA IYAN ATA ANG 33 YEARS OLD AT HINDI SI MARIAN NA NATSITSISMIS NA MATANDA LAGI KASING NAKASIMANGOT ITONG SI CARLA BAKA NA REALIZED NIYA HINDI SIYA MAGIGING STAR SA GMA HABANG ANJAN SI MARIAN KAWAWA NAMAN ANG BABAENG ITO TRYING HARD NAGHUBAD NA NGA 

Leave a Reply

Your email address will not be published.