Carla Abellana, nagpakalasing sa isang bar sa Makati?

Carla-AbellanaMAY PELIKULA pala sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na malapit nang mag-showing kaya lumutang na naman ang isyung break na raw talaga sina Carla at Geoff Eigenmann.

Kaya in time sa promo ng pelikula nila sa Regal na So It’s You, magsasalita na raw si Carla tungkol sa break-up.

Sana sagutin lahat ni Carla ang mga isyu kaugnay sa kanilang break-up. Siya lang naman yata ang magsasalita, dahil hindi raw talaga magsasalita si Geoff.

Kunsabagay, hindi naman talaga maingay si Geoff, kaya tingnan na lang natin kung ano ang sasabihin ni Carla.

Meron pa akong narinig na kuwentong nakita raw si Carla na lasing na lasing sa isang bar sa Makati. Hindi raw makagulapay sa kalasingan na ang tinawagan daw na susundo sa kanya ay si Tom Rodriguez. Pero wala yata si Tom sa Maynila nu’ng oras na ‘yun kaya hindi ito nasundo. Hindi ko na alam kung sino na ang sumundo sa kanya.

Ewan ko kung totoo yun ha? Kasi nakuwento lang ‘yan sa amin. Dapat sagutin ‘yan ni Carla dahil may nagkalat ng ganu’ng kuwento.

Kung totoo man ‘yun, sasagutin kaya ito ni Carla? May kinalaman kaya ang break-up nila ni Geoff kaya ito naglasing?

Ang isa pang ipinagtaka ko, bakit si Tom ang tatawagan para sunduin? Hindi kaya promo ito sa movie nila? Hay, naku! Tingnan natin na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Carla Abellana, nagpakalasing sa isang bar sa Makati?

  1. Totoo yung naglasing yan. Ayan.ang mga shunga nyang fans kng makakoment classy dw. Baka sumuka pa nga yan. Panu mgsalita c geof eh c carla ang may Kati! Balak pang agawin c tom ky kaye.

  2. Ikaw Lolit, malapit ka narin bang kasuhan ng DOJ. Damayan mo naman ang partner in crime mo na si Bong REvilla. Malapit ng makulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published.