Carla Abellana, nagpaka-safe sa isyu nila ni Marian Rivera

Carla-Abellana-Marian-RiveraIN FAIRNESS naman kay Carla Abellana, maayos naman niyang nasagot ang tanong ko sa kanya sa Startalk tungkol sa isyu nito sa mga fans ni Marian Rivera.

Nagkaroon kasi ng intriga ‘yung ipinost niya sa Instagram account niya tungkol sa mas maganda raw ang lola niya. Eh, kasagsagan ‘yun nang promo ng Carmela ni Marian na may subtitle na ‘Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw’.

Nag-react ang mga fans nu’n ni Marian, pero hindi na nagsalita ang GMA Primetime Queen.

Pero kinuyog si Carla ng mga fans ni Marian at dumami pa yata ang mga bashers niya.

Sabi naman ni Carla, wala siyang intensyon patutsadahan si Marian. Hindi naman daw niya ma-control kung ano ang interpretasyon ng mga nakabasa nu’n, pero wala raw silang gap ni Marian.

Sabi nga niya sa presscon ng Third Eye na pelikula nito sa Regal Films, hindi raw siya naniniwalang mga fans ni Marian ang nagba-bash sa kanya.

Very positive daw si Marian, kaya ‘yun din daw ang nakararating sa mga fans niya.

Siyempre, nagpaka-safe na lang si Carla para wala na lang intriga.

Sabi pa niya, nagkita naman daw sila ni Marian sa burol ng ama ni Regine Velasquez at okay naman daw sila. Kaya huwag na lang intrigahin, ‘di ba? Mabuti nga at natanong ko ‘yun kay Carla nu’ng nag-promote ito sa Startalk para nalinaw na ang isyung ‘yun.

 

BELATED HAPPY birthday kay Sen. Jinggoy Estrada na nag-celebrate ng 51st birthday niya nu’ng kamakalawa lang.

Natuwa naman siya dahil ang dami pa rin niyang mga kaibigang pumunta sa pa-lunch niya sa opisina niya sa Senado.

Nandu’n din ang mga kaalyado niya sa Senado na sina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Tito Sotto, Sen. Nancy Binay, Sen. Gringo Honasan at siyempre ang bestfriend niyang si Sen. Bong Revilla.

Alam naman daw natin kung ano ang birthday wish. Ni-lift na lang niya lahat ito sa Diyos kaya naniniwala siyang malalagpasan nila ito.

Ginagawang biro na lang nga nila ito ni Bong.

Pati si Bong ay lalong napalapit sa Diyos. Kaya nga gusto nitong matuloy ang biyahe nila ni Lani at mga anak sa Holy Land, dahil matagal na raw silang inaanyayahan ng pastor nila.

Baka nga harangin pa sila, kaya gusto na rin nitong magpaalam kahit wala naman silang hold order.

Definitely, hindi naman daw nila ito tatakasan, dahil babalik sila pagkatapos ng pilgrimage nila na ‘to sa Holy Land.

Sana nga huwag nang gawing isyu pa ang pag-alis nila, bago mag-Holy Week.

Sa totoo lang, ang laking bagay ng isyung pork barrel scam na ‘yan sa relasyon nilang mag-asawa, ha! Lalo silang naging close sa isa’t isa at napalapit sa Diyos.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Carla Abellana, nagpaka-safe sa isyu nila ni Marian Rivera

  1. mas class si Carla kay marian base lang sa kilos, pananalita at acting nito, walang-wala si marian kasi si marian produkto lang ng sobrang hype di tulad ni carla na unti-unti at magaling talaga umarte hindi OA at maayos magsalita halatang educada

  2. Huwag mo ng isama ang Diyos sa mga hirit mo, Lolit Harbat. Mahiya ka. Dapat ikaw, kasuhan din dahil maliban kay Mat Ranillo, kasama ka rin sa scam. Magna.

Leave a Reply

Your email address will not be published.