Carla Abellana, kasado na ang paglipat sa Dos!

GOODBYE KAPUSO na ang magiging drama ni Carla Abellana. Nakatakda na kasi siyang lumipat sa Kapamilya Network.

Isang source ang nagkumpirma sa amin na iiwanan na talaga ni Carla ang kanyang home studio. Naging successful kasi ang negosasyon ng kanyang kampo sa Dos matapos na pag-isipang mabuti ang offer ng network. This month na kasi mag-e-expire ang kontrata ni Carla sa Siyete.

Maraming considerations si Carla at ang kanyang manager na si Arnold Vegafria bago sila nag-decide na iwan na nga ang Siyete. Pero ang pinakamabigat nilang dahilan ay ang priority ng GMA sa mga artistang binibigyan ng projects.

“Ang priorities daw kasi sa Siyete ay sina Marian Rivera, Barbie Forteza at Bea Binene in that order,” sabi ng aming source.

Unang ipinakilala si Carla ng GMA noong 2009 sa pamamagitan ng Rosalinda, kung saan nakatambal niya ang boyfriend niya ngayong si Geoff Eigenmann. Nasundan pa ito ng isa pang project, ang Magic Palayok.  

Ano ba ‘yan, parang nilalayasan na ng mga artista ang Siyete. Baka maubusan sila ng female stars. Kung sa bagay, wala na naman talaga silang hot stars maliban kay Marianita at ilang tween stars. And the rest, wala na kundi puro starlets.

 

BALITANG-BALITA NA mahilig mag-take home ang madir ni Sarah Geronimo ng mga regalo ng fans sa kanyang anak.

Kahit na pagkain iyan, nakatitiyak ka raw na ipapauwi ni Mommy Divine sa kanilang balaysung ang regalo ng mga tagahanga ng kanyang anak. Wala raw itong keber kung pag-usapan siya.

Wala namang masama kung mag-take home man si Mommy Divine ng mga regalo ng kanyang anak. Pero dapat ang rule of thumb diyan ay si Sarah ang mag-decide especially kung pagkain ang gift sa kanya. Siya ang niregaluhan, entonces, siya ang dapat magpasya kung iuuwi ba niya o isi-share niya sa kanyang mga kasamahan. ‘Yun lang ‘yon.

Kung nag-uuwi si Mommy Divine ng mga pagkaing regalo sa kanyang anak, we will not be surprised if one day somebody will call her “take home queen”.
NASA HOSPITAL muli ang isang kilalang comedian. Pero nothing to worry naman daw dahil malakas naman daw itong lumafang. Emphysema pala ang sakit nito.

Heto na ang siste. Habang nasa ospital daw ang comedian ay napansin ng mga anak nito na ang kinakasama nito ay panay raw ang pa-botox sa isang kilalang cosmetic surgeon.

Naringgan daw ang isang anak ng comedian na nag-dialogue na para raw ‘atang paganda nang paganda ang dyowa ng kanyang ama habang ‘yung dad niya lies dying in the hospital.

 

BLIND ITEM: Talaga palang malaki ang nahuthot ng isang hunk actor sa dyowa niyang baklitang aktor.

Nang magkasama pala sila sa isang soap opera, panay ang shopping ng oportunistang aktor. Okay lang naman ‘yon pero ang gamit niya ay ang credit card ng dyowa niyang aktor. Ang kiyeme, ang dyowa niyang baklitang aktor ang bibili ng mga gusto niya at kasama siyempre siya sa pagsi-shopping.

Na-max out daw ang credit card ng gay aktor sa dami ng gustong bilhin ng kanyang dyowa na tila sabik sa mga mamahaling produkto.

Ngayon ay hiwalay na sila at deadma na ang aktor sa baklita matapos niyang huthutan nang husto.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

30 thoughts on “Carla Abellana, kasado na ang paglipat sa Dos!

  1. Kaloka naman talaga sa Earth Ate Valentina. Idinahilan na naman ang isang MARIAN RIVERA kaya lilipat sa ABS-CBN. Ang KAPAL naman nila. the TRUTH is that GMA7 DOMINATION is continuing, thru its stars and consistent high tv ratings. Tingnan na lang, pati mga ibang station tulad ng ABS CBN, ang mga artista nila sa mga tv project nila ay mula sa GMA7, as in IMPORTED from GMA7 tulad nina Anne Curtis, Sarah Geronimoh, Piolo Pascual, Ai Ai dela Alas, Kris Aquino, Sharon Cuneta, etc etc etc etc

  2. bkit ba paglipat ng mga artista apektado kayo, buhay nila yan dapat wag nyo pakiaalaman kasi nag tatrabaho lng sila kz love na love nyo masyado o wroship nyo  ung fave station nyo na gma7 wag ganun tulad ng lumipat si karen davila at si angel locsin grabe panlalait nyo sa dalawa pero ng lumipat si jolina at claudine dyan sa inyo di naman nilalait ng mga fans ng dos….. dapat sana lahat ng station pwede sila magtrabaho at magpromote walang bawal bawal tulad ng araw pag may pelikula halimbawa si sharon o maricel, nalilibot nila lahat ng channel BBC2, RPN9, IBC 13 GMA7 pati PTV4 bakit walang bawal bawal at lahat may work at trabaho..  kasi kayo puro kayo FANATICO….mag isip na kayo mga fans na mga bobo at walang utak

  3. So ang magbubuwis ng career sa paglipat ni Carla ay si Angelica Panganiban? Kapansin pansin na everytime may KAPUSO na nagoberdabakod may HOME GROWN Kapamilya napapatalsik sa ABS! Binalita ni Cristy Fermin na nakasagutan daw ni Angelica mga ABS execs dahil wala raw itong projects sa primetime! so see her sa TV5?

  4. o e kala ko ba na kay carla pa din daw ang desisyon kahit maganda ang offer ng dos ( kung may offer nga talaga).. anyareh??? jan k nalang sa syete carla.. baka maka isang teleserye k lang sa dos.. di ka na kelangan dun.

  5. Hindi baleng magtake home kung nauubos naman at i-share sa iba. Pero kung takaw mata lang at suwapang, kasalanan na. Divine should take into consideration her daughter Sarah’s reputation. Kilala na ngang promdi, baka makilala pang suwapang. Nakakahiya naman.

  6. hay nako, nagsialisan na lahat ng marurunong umarte sa syete. ang tindi kasi ng padrino system, puro si pokpokinang marianita pinapaboran. tsktsk

  7. kapal PRIORITY si Marian, Barbie, BEA

    NENG CARLA
    katatapos nga lang SOAP mo eh! as in KATATAPOS lang… nakapag movie ka ng dalawa ngayong december…

    sabagay bagong bili ang town house mo! baka nahihirapan hang maghulog kaya GORA na!

    way way way has maraming priorities ang ABS CBN compare sayo… haya panlaban ng ABS CBN sa GMA eh young artists din ng GMA ngaks…. 

  8. Mahirap nga makipagcompete sa ABS-CBN sa dami ng magagaling na artista sa kanila. The ones who have regular shows are those who can do it all – acting, singing, dancing and hosting. Sa ABS, if you’re “just” an actress/actor, kailangan pumila ka and wait for your turn sa mga soap operas and movies. Unless of course malakas ang hatak mo like Coco Martin na halos sunod sunod ang teleseryes.

  9. ung malapit ke carla pakisabi na kung lilipat siya eh dapat sa tv5 at dun mapapakinabangan ang kanyang talent.
    sa abs-cbn, puno na ng talentadong artista at hindi na nga nila kayang bigyan ng trabaho ung iba nilang artista, eh kukuha pa sa ibang istasyon.
    WRONG MOVE CARLA, just stick with your station at hindi ka naman pinababayaan ng network mo. Hayaan mo na lang na mas bigyan nilang importansya ung ibang stars tutal me binibigay namang trabaho sau.
    dami ngang talents ng abs-cbn walang work dahil maraming kumpitensya, sasali ka pa na home-grown talent ng 7!

  10. i dont think napapabayaan si carla sa gma.. di nmn sya nawawalan ng show. siguro maganda lang talaga ang offer ng abs, syempre business yan kaya don ka sa mas malaki ang kikitain mo. di lang nmn sa showbiz ganyan di ba, in real life pag may offer ang ibang na mas malaki nagpapa-pirate pa yung iba! in carla’s case, finish contract nmn sya kaya walang masama..

  11. Kung kailangan ka ng gma, they will fight for you.  pero if they let you go, that means youre not worth it.  matalino ang gma sa pera, they know  how much she’s worth.  
    Kung kapamilya na sya, abs probably paid too much.

  12. parang pamilya nman ng mga patay gutom yan cla sarah,mommy nya kla mo lgi maubusan ng pagkain,ganyan tlaga mga kapos sa pagkain nun ngging matakaw at parang patay gutom,,d marunong mamahagi ng biyaya ng diyos,mahiya ka nman devine p.g. Masyado kang ngppahalata.

  13. Hmmm… i think pareho ng appeal si Bea Alonzo and Carla Abellana (although the former has more experience in drama) so I think they might compete for the same kind of shows/movies in ABS-CBN. Oh well, if they want growth, then I think it’s better to shift to Channel 2. Pero yun lang, madami silang kakumpetensiyang talent. As in TALENT talaga. Hahaha!

  14. @bruhill – yan ang guz2 ng mga sikat na talents.. yung hindi intoxicated sa trabaho. mapera ka nga, d mu nmn na-e-enjoy. Like what Angel now, Sikat, maraming BIG PROJECTS, hnd pagod at na-e-enjoy nia ung perang pnagtrabaho-an nia. LOL next will be Marian, time will come na marramdaman nia ang pagod. Proj after proj, Flop after Flop.. kay0d kalabaw! PAK!!!

  15. parang walang isip tong si carla at manager nya, ang ganda na ng career nya sa siyete ay d pa nakuntento, sige lipat lang, sa una lang nmn ang special treatment ng dos sa yo, after nyan, prang si angel locsin ka nlng, one project per year ka nlng… sikat nmn tlga si marian kaya sya ang priority ng siyete.. sayang ka…

  16. oo nga huwag ka lumipat you dont belong there..hahaha!kapuso ka na lang or kapatid..wherever basta not kapamilya..you’re not welcome in our kafamily kingdom and you are not worth the transfer..eh ngayon pa lang malaki na ulo mo and mayabang ugaling kamuning yan..kaya jan ka lang nababagay carla a.

  17. pag di sila nabigyan ng proj,lumilipat?pero there was a time na sila ang center of attraction ng 7..pag palaging sya ang napapanood nakakasawa nmn kaya dapat pahinga muna,gusto kasi ay kasali palagi sa program..walang utang na loob,,sana di ka magkiclick sa dos,,di nmn marunong umarte yan eh ,walang masyadong facial expression,,buti pa si marian,byuti na nga naibibigay nya ung dapat na act. sa mga taga 7 wag nyo ng tanggapin yan pag bumalik sa inyo,,pati si carmina v,after ng madaming proj na binigay ng gma ..lumipat,,mukhang peraaa!!!

  18. what? hot star ba ang mga tween hearts stars? hindi nga? ang alam ko si marian lang ang nag iisang star ng kapusa while sina richard at dingdong sa male counterpart nya. hindi naman na kasi kailangan yang carla abellana na yan sa kapamilya, please lang, wag mo na ituloy carla, unang una, pinapangalandakan mo sa mga interviews mo na your heart belongs to kapuso so why need to transfer? kung matutuloy ka sa kapamilya, hindi ka magtatagal dahil wala nga ang naiwan ang puso mo sa kapuso! hahahaha! at pangawala, marami nang mas may star appeal kesa sayo carla na true kapamilya! sobrang kawawa na ang kapuso, wala nang natitirang true artists sa kanila pero kung makapag advertise o magshow ng data nila na sila ang patuloy na nangunguna eh bakit naglilipat mga artista nyo at hindi nagrerate mga new shows nyo? hahahaha!

  19. Yung nanay ni Sarah nang uuwi pa daw yan ng robe, tuwalya sabon at pati tsinelas at laman sa fridge pati bottled water sa mga hotel na tinutuluyan nila abroad. Ang kawawang magbabayad dyan ay yung producer ng show kasi sakop nila pati hotel na pag stay in nila. Dapat turuan ng good manners at right conduct si ALING DIVINA hehehe….. Hindi talaga maganda ang pinapakita niyang pag -uugali na yan pati yung tetra pack at mga lechon hinakot lahat ni aling divina hahaha…….  Masyadong swapang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.