Carla Abellana, kaagaw na ni Marian Rivera sa pagiging reyna ng Siyete!

BONGGA SI MOMMY Dionesia Pacquiao nang mag-guest sa amin sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, dahil pinagkaguluhan siya.

Ang nakaaaliw pa sa kanya, hindi yata niya alam ang title ng show namin. Basta sinasabi lang niya na nandito raw siya sa showbiz talk show ng GMA at laging binabati niya ang mga fans niya at mga kapitbahay niya.

Hindi na talaga maiwasan ang pagiging celebrity mom ng ina ni Manny Pacquiao dahil ang daming nagpalitrato sa kanya sa studio at inabangan ng lahat ang mga pagsayaw niya at ang interview namin.

Kung si Mommy Dionesia ang papiliin, ayaw niyang mag-artista. Happy na raw siya sa mga commercials na ginagawa niya. Ayaw na raw niya ng magulong mundo ng showbiz dahil lagi na lang siya naiintriga.

Dini-deny nito ang lumabas na intrigang ipinag-shopping daw niya ang dance instructor niya nang mahigit isang milyong piso nu’ng nasa Amerika siya.

Hindi naman daw totoo ‘yung DI na nali-link sa kanya. Meron lang daw nakipagsayaw sa kanya na asawa ng kaibigan niya na may hitsura, pagkatapos ini-link na siya roon.

Lahat naman daw ng DI niya, may-asawa, kaya malabong ma-link daw siya du’n. Pero ewan ko lang, ha? Kasi narinig ko ngang nagalit na raw si Manny at meron na nga raw siyang ipinatanggal na DI ng nanay niya, kaya karamihan sa mga DI nito ngayon, kundi may-asawa, bading naman.

Pagkatapos ng guesting na ‘yun ni Mommy Dionesia sa Startalk, and dami nang nagtawagang show na gusto siyang i-guest pero kailangan na raw niyang bumalik ng Gen. Santos kinabukasan.

Babalik uli siya rito dahil meron na naman siyang isa pang commercial na gagawin.

Naku! Abangan n’yo ang mga commercial na ginawa ni Mommy Dionesia. Tinalbugan na ang ibang kilalang artista na sa halip mapunta pa sa kanila, na kay Mommy Dionisia na ngayon.

NGAYONG ARAW NA magsisimula ang Rosalinda ni Carla Abellana kaya marami ang nag-aabang kung mainit ang pagtanggap ng mga tao sa bagong star na ilulunsad ng GMA 7 at kung positive ang feedback sa tandem nila ni Geoff Eigenmann.

Kabado ang dalawa siyempre, pero mas excited naman sila dahil kahit saan sila magpunta, kilala na silang nasa Rosalinda. Sabi nga ni Carla, mas kilala siyang Rosalinda kesa sa tunay niyang pangalan at mas type niya ‘yun dahil ibig sabihin, inaabangan na talaga itong bagong primetime series niya sa GMA 7.

Touched na touched pa si Carla kay Marian Rivera dahil nu’ng presscon nito kamakailan lang, pinadalhan pala siya ni Marian ng bulaklak at gustung-gusto niya ang message na ipinadala sa kanya ng aktres.

Gusto lang naman ni Marian na iparating sa kanya ang suporta nito at para malinaw na walang intriga sa kanilang dalawa.

Malapit na ring simulan ang Darna ni Marian at dapat mag-hit din itong Rosalinda para dalawa na silang reyna sa Kapuso network.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

23 thoughts on “Carla Abellana, kaagaw na ni Marian Rivera sa pagiging reyna ng Siyete!

  1. go carla galing mo! C marian classmate ko yan since high school. Napaka Booba kasi di alam kung ano ang verb at noun after exam laging umiiyak sa professor namin na papasahin siya kasi bagsak na naman.Palengkera yan sobra. Kilala ko na yan matagal ko rin yang nakasama. Di marunong mag english!Ayusin mo ugali mo marian napaka plastic mo!!!!

  2. ms mgnda c carla kay marian
    ang gnda nya maamo ang mukha
    c marian pag nkkta ko naiicp ko palengkera whaha

  3. Marian still ahead of carla. Nagsisimula pa lamang si Carla. I dubt kung rosaling will be a big hit like Miramar. The beauty of Marian is different and the acting and dancing are better than Carla.

  4. MALAMYA ANG ACTING NI CARLA SA TEASER NG ROSALINDA.

    Scripted ang pagbiGay ng bulaklak para dagdag bALita. Alam nyo na, PROMOTIONS.

  5. i dont think Marian should be insecure. Ang layo naman ni Carla ikumpara sa kanya. Base on the trailer of Rosalinda, parang OA yung acting ni Carla. But lets give Carla a chance, baka mag improve naman baguhan pa lang sya eh.
    But beauty, mas maganda pa rin si Marian. Maganda naman si Carla pero iba ang ganda ni Marian. … So Marian, wag kang mainsecure kasi mas maganda ka tlga promise. Btw, whats with Carla’s smile? napansin ko lang parang nakabuka palagi yung bibig nya, parang theres always a space between her upper and lower teeth.. Naobserve ko lang…

  6. Is a good gesture sa part ni Marian na binigyan nya ng flowers si Carla that’s only show na di cya insicure ky Rosalinda…

  7. ito pala ang anak ni rey abellana na dating sikat na sikat. pero alam kaya ni carla ng malaos ang tatay ay gumawa na lang ng porno movies sa japan, alam kaya ni carla yun?

  8. dey hav der own identity…pwedeng ikumpara
    dhl kht cno nmng tao may pagka2hwig s ugali…mukha
    at pagkatao…lets give them a change n maging mag kaibigan
    kc c marian
    nagcmula s satili nya lng umaasa at mnger
    as in wlng kpit d 2lad ni carla na anak at apo ng mga kila2 na s showbiz….give them a break 2 prove wat dey can do in d business na pinsok nila.

    kung may bguhan welcome dem…wag ng craan
    dba sbi nga nila mas mrami mas masaya.

  9. Masyadong malamya si Carla umarte, talagang baguhan pa, I think Rosalinda would rate but not in the way Marimar was received by the masa. It’s a good think powerhouse ang cast, Roderick Paulate, sheena Halili etc… puro magagaling.
    Si marian kasi, she has a natural acting and dacing talent na, so even during the promotion of Marimar, DD and MR had a very strong chemistry na! Plus when Marian was dancing during the promo, iba siya gumiling, very graceful.

  10. Ginawa niyang nobyo si luis hindi dahil mahal niya kasi gusto niya ring maging star for all seasons at palaging kabit name niya sa pamilya mo vilma santos… kailangan kapag kasal na si luis at angel may pre nuptial agreement kasi Mukhang Pera yang si Angel ipagpapalit lang yan si Luis at Kakam kamin ang pera at ari arian niyo…

    • excuse me?you’re a damn desperate idiot..gumawa ka ng sarili mong website…walang hiya ka…hindi mukhang pera si angel..last time i checked,she won 1 m in pinoy bingo night and she gave it to the audience and her cousins…

  11. jobert… boy… anong petsa na? meron na ba kayong naimbentong chismis para siraan natin si marian isang buwan nalang ipapalabas na ang Darna baka sa kangkongan tayo pupulutin nito kapag hindi niyo siniraan si marian!

  12. pndalhan nga ng bulaklak ni marian, cguradong may ngbulong lang ke marian na bigyan sya!
    kung bukal sa loob ni marian ang pgbibigay, baka bulaklak sa patay ang ibigay nun!
    insecure na si marian dhil kabago-bago ni carla e marami ng write-ups sa kanya at alam nyang binibuild-up si carla ng network.
    in short, malaking threat si carla ke marian.

  13. cge nga tingnan natin si carla..naku i am not kapuso bat galingan mo ng di puro si marian ang nasa sirkulasyon jan sa siyete..baka sa xmas summer id nila ay music video na naman nya..gudluck carla talbugan mo si marimar

  14. naku!!! malapit na ang darna!!!!ano na naman kayang paninira ang iimbentuhin ng dos?? boy abunda… may naiisip ka na ba??? hehehe

    • hoy sa inyo n yang marian na ang pangit umarte,sumikat lang xa dahil sa maganda niyang mukha perohindi s acting niya…nyahahaha….angel locsin the best pa rin…ano b yang marian na yan,mga character ni angel kinukuha…yucks…not a good actress….

Leave a Reply

Your email address will not be published.