Carla Abellana, iniwan na ni Geoff Eigenmann!

TSIKA NG ISANG katoto, hindi naman daw totoong padabog na initsa ng isang immigration officer sa Hong Kong airport ang passport ni Senator Jinggoy Estrada gaya ng ipinalalabas nito. This was days after the bloody Quirino hostage drama, kung saan pakay sana ng naturang mambabatas na pangunahan ang peace talks sa pagitan ng Tsina at ng Pilipinas.

The tip came from a phone caller na noo’y nakatutok sa himpilan ng radio kung saan isinahihimpapawid ang paksa tungkol sa insidenteng kinapapalooban ni Jinggoy. Paano raw mangyayari ‘yon, ani ng tumawag, gayong nasa likod daw siya mismo ng senador sa pila?

Minaliit, kundi man pinagdudahan ko ang tsika ng kapwa ko reporter. Napakasuwerte naman ng listener na ‘yon, nagkataong nakapihit siya sa istasyong ‘yon gayong napakarami ng media outlets na puwede niyang tutukan ng mga sandaling ‘yon. And couldn’t he be doing something else, hindi ang pakikinig sa balitang ‘yon? Nasa likod pa man din daw siya ni Jinggoy nu’ng nakapila sila sa immigration sa Hong Kong airport, wow, he must be omnipresent! Ano siya, Diyos na omniscient at omnipotent?

IF SOME GOOD things never last, sabi nga sa awitin ni Barbara Streisand, so do loveteams.

After four screen partnerships, kakaibang challenge naman para kay Geoff Eigenmann na maipareha sa ibang leading lady. Goodbye for now muna kay Carla Abellana, welcome his new love interest na si Glaiza de Castro.

Although Geoff admits na mami-miss niya ang tambalan nila ni Carla which, in fairness, had widely earned public acceptance ay welcome change naman ang pagkakaroon niya ng iba namang love interest. Ewan ko if I should be crucified for this: ito ang strength ng ABS-CBN as regards seemingly odd pairings na ineeksperimento nila in their soap operas only to discover a goldmine in them!

It’s about time GMA took the risk, gawin nilang sample ang tambalang Geoff-Glaiza in yet another vehicle that is not formula-based, let old traditions be broken apart!

MAY PUWANG PA rin pala ang showbiz para sa mga “balahurang” starlet, ito rin marahil ang self-realization ni Keanna Reeves whose supposedly private life (read: sexual encounters) ay mistulang carinderia na bukas sa lahat ng gusting kumain.

Agaw-eksena ang hitad sa launch ng kanyang bagong sitcom sa TV5, ang Hapi Together which premiered last night. Siya si Genevieve, isang pokpok na humahada sa sinehan kung saan na-meet niya si Soxy Topacio, na humahada rin. Ewan ko lang if between Keanna and Direk Soxy, sino talaga ang nangha-hunting sa sinehan!

Sa kuwento, na-realize ni Keanna na bakla pala ang kanyang napangasawa. In real life though, may aktor siyang natipuhan pero lalaki rin pala ang hanap. Initials na T.C. ang ibinigay ni Keanna sa identity nito… na ang ending, hindi ‘yon obviously si Tirso Cruz, kundi si Toffee Calma!

Bago? In fairness, yummy naman si Toffee… kaibigan, usap naman tayo.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Carla Abellana, iniwan na ni Geoff Eigenmann!

Leave a Reply

Your email address will not be published.