Carla Abellana at Geoff Eigenmann, tapos na ang LQ

Geoff-Eigenmann-Carla-AbellanaSI CARLA Abellana ang nanalong best drama actress sa katatapos na 5th Golden Screen TV Awards. Ito ay para sa mahusay niyang pagganap sa primetime series ng GMA 7 na My Husband’s Lover, kung saan nanalo namang Best Drama Actor ang co-star niyang si Dennis Trillo.

Sa kanyang acceptance speech, inisa-isa niyang pasalamatan ang mga taong nakatulong sa kanyang career at pati mga naging inspirasyon niya. At marami ang naintriga na hindi niya na-mention ang boyfriend niyang si Geoff Eigenmann.

“Hindi naman,” nangiting reaksiyon ni Carla nang matanong naming after ng awards night. “Alam naman niya ‘yan. My gosh!

“Geoff has been part of my life, my career, eversince the beginning, ‘di ba? Unang-unang leading man ko ‘yan. So, alam naman niya. Kahit hindi ko man nabanggit, alam niyang part siya nito… part siya ng success ko.”

May naging pahayag sila ni Geoff recently na nagkaroon sila ng problema sa kanilang relasyon. Pero ayon kay Carla, naayos na nila ang tungkol dito.

“Normal lang naman na magkaroon kayo ng problema sa isang relationship, ‘di ba? Normal lang naman na may pinagdaraanan kayo. And hindi naman sa sinadya kong hindi banggitin si Geoff sa acceptance speech ko. Hindi rin sa nakalimutan ko. Pero kasi alam na naman niya ‘yon, eh. Kumbaga, hindi ko man siya i-mention dito in front of everyone, alam niyang part siya ng pasasalamat ko talaga.

“At saka part si Geoff ng family ko. And siyempre hindi ko rin naman inisa-isa ‘yong pamilya ko. Part na siya roon talaga. Promise!” pagdidiin pa ni Carla. “Lagi naman kaming magkausap ni Geoff. Lagi naman kaming magka-text. In fact, birthday niya sa Sunday. Magkikita kami siyempre, kasi may dinner siya with his friends and family.”

Okey na raw sila ngayon ni Geoff. Although may mga kailangan pa rin daw silang ayusin at plantsahin.

Kagaya ni Geoff, ayaw nang tukuyin pa ni Carla kung ano nga ba ‘yong nangyaring problema sa relasyon nilang dalawa.

Marami tuloy ang mas naiintriga lalo pa at si Aljur Abrenica made a big statement recently na nagkaroon sila ng iringan ni Geoff. Ito’y dahil tinangka raw ng aktor na pormahan ang naging leading lady nito sa Adarna na si Kylie Padilla na girlfriend nga ni Aljur.

“Ah, I really honestly don’t know the side of Aljur. I didn’t see his interview or anything. But ako honestly being the girlfriend of Geoff Eigenmann and knowing him for the past four… five years, alam ko deep in my heart at saka no’ng mga malalapit sa amin pati na ‘yong mga katrabaho niya na walang katotohanan kung anuman ‘yong iniisip ng iba or kung anuman ‘yong lumalabas.

“You know, the perfect person to ask about it, ‘yong director nila, P.A. nila, make-up artist nila… kung sino talaga ‘yong kasama nila, ‘di ba? Kung sino ‘yong mga nakakatrabaho nila. At kung sino ang mga nakakakita sa kanila everyday. Iyon ‘yung mga dapat ninyong tanungin. Hindi kami.

“Pero siyempre ako, I hold by my belief that there’s really no truth to it. ‘Di ba? At saka hindi lang naman… I guess na-misinterpret lang siya. Dahil si Geoff kasi, sobrang nag-enjoy siya ro’n. Naging family na niya halos lahat ng cast members ng Adarna. Na talagang… nagba-basketball silang mga boys, nagba-biking sila. May mga times silang gano’n. Na never kong nakita kay Geoff before.

“Na hindi naman siya nakakapag-bonding with his cast mates, eh. Namis-interpret lang do’n si Geoff kasi gano’n siya na kapag nag-enjoy siya talaga, makikita mo. Ipaparamdam niya sa ‘yo. So, ‘yon!” paliwanag pa ni Carla.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Carla Abellana at Geoff Eigenmann, tapos na ang LQ

Leave a Reply

Your email address will not be published.