Carla Abellana at Geoff Eigenmann, nagkakalabuan

Carla-Abellana-Geoff-EigenmannINAMIN NAMAN pala ni Carla Abellana na may problema sila ni Geoff Eigenmann. Pero hindi naman daw sila break.

Sinusubukan pa rin daw nilang ayusin kaya mas gusto nilang tahimik lang muna.

Nu’ng Valentine’s Day pa yata sila hindi okay ni Geoff kaya wala silang makuwento kung ano ang ginawa nila nu’ng Valentine’s Day.

Ayaw nang idetalye ni Carla ang dahilan ng problema nila, pero alam daw niyang maaayos ‘yun.

Wala raw selos na isyu, kundi ang mga attitude lang daw nila na hindi nila napagkakasunduan.

Kasi may isyu pang parang nahuhulog na raw ang loob ni Geoff kay Kylie Padilla na nakasama niya sa Adarna.

Pero tapos na ito, kaya hindi na sila magsasama sa taping.

Ang dinig ko nakarating na raw ito kay Aljur, pero siguro wala pa naman talaga.

Ayaw ngang maniwala ni Carla nang nakarating ito sa kanya. Ang alam daw niya naging close lang si Geoff sa mga co-stars niya sa Adarna dahil maganda raw talaga ang samahan nila.

Naku! Hindi pa naman siguro na-in love si Geoff kay Kylie dahil in love na in love naman itong young actress kay Aljur.

Sabi naman ni Carla, inaayos nila ang problema na natural lang naman daw ito sa magkasintahan. Pero alam daw niya maaayos ‘yan.

Sana nga, ‘no! Hindi yata uso ngayon ang break-break na ‘yan. Ang uso ngayon nagbabalikan, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.