Carla Abellana at Geoff Eigenmann, matagal nang problemado ang relasyon

Geoff-Eigenmann-Carla-AbellanaMALUNGKOT MAN kung iisipin, kahanga-hanga rin ang naging pagkaunsiyami ng relasyon nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, dahil matagal na palang mayroon silang problema na patungo na sa hiwalayan. Hindi nila iyon ipinahalata at ipinagmakaingay sa showbiz, lalo na sa press na malalapit sa kanila. Dumating na lang talaga ang punto na hindi na nila puwedeng ilihim, dahil marami na sa kanilang mga kakilala ang nakakaalam na hiwalay na nga sila.

Kahit naman diretsong magsalita si Carla, na ikinaiinis sa kanya ng press, wala naman siyang kung anu-anong sinasabi na makasisira kay Geoff. Bagkus ay mahahalata lang si Carla sa kanyang mga pahayag, na wala talaga siyang gana na pag-usapan pa ang tungkol sa kanyang lovelife. Ganu’n din naman si Geoff na talagang consistent ang ugali sa pagiging matahimik tungkol sa isyu, dahil kahit naman nu’ng mag-start siyang mag-artista, hindi siya mahilig magpakontrobersiyal.

Noong kumakalat na ang tungkol sa problema nila, ang huling ipinahayag na lang ni Carla ay sayang daw ang ilang taon nilang relasyon nila ni Geoff, kaya pagsisikapan nilang maging maayos ang lahat. Pero ang naging resulta nga ay hindi naging maayos ang anumang dapat ayusin kahit sinubukan naman nila pareho, kaya marami man ang nalungkot tungkol sa kanilang hiwalayan, mas okey na ‘yung inamin na nila ang totoo.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.