Carla Abellana, desperada na?

Carla-AbellanaMARAMING ISYUNG nilinaw si Carla Abellana after her break-up with Geoff Eigenmann. May mga naging basher siya online at sinsabing ginagamit daw niya ang personal life to promote So It’s You, her movie with Tom Rodriquez, JC de Vera at Bangs Garcia. May nagsasabi rin na kaya siya nakipag-break ay para balikan ang ex-boyfriend na si JC Intal na as we all know ay engaged na kay Bianca Gonzales at malapit nang ikasal.

Ayon kay Carla, nangako raw siya sa manager ni Geoff na hindi na ime-mention ang pangalan ng actor kapag nakaharap ng mga press.

Naikuwento ni Carla na marami silang bagay na hindi napagkakasunduan ni Geoff at pananaw sa buhay na malabo na raw isalba ang relasyon. Wala rin daw ibang taong involved sa kanilang past or present at silang dalawa lang talaga ang nagdesisyon na maghiwalay. Lalong walang kinalanan daw si Kylie (Padilla) sa break-up nila ni Geoff. Nagkataon lang daw na nagkaroon ng isyu.

Tungkol naman kay JC Intal, masaya raw siya talaga sa pagmamahalan ng dalawa (JC at Bianca Gonzales). Ayon pa kay Carla, alam daw niya that JC has been wanting to get married.

“He’s been wanting to settle down at magkaroon ng mga anak. I believe it’s the right time na for him. Naniniwala naman ako base sa pagkakakilala ko sa kanya. The timing is perfect.”

Binati nga raw ang ex-boyfriend pati na ang buong pamilya niya at maging ang bestfriend niya at tinext din ito.

Nilinaw at itinanggi din ni Carla, ang tungkol sa isyung nagpakalasing siya at tinawagan niya ang leading man sa So It’s You na si Tom.

“That’s not true. Kung anuman ang pinagdadaanan ko, ayoko nang idamay si Tom doon. Bakit ko pa siya gagamitin? Bakit ko pa siya… It sounds so desperate lang, ‘di ba? I’m surrounded by my family who loves me, my bestfriends are there. Bakit of all people, ‘di ba, si Tom pa ang gagambalain ko or what? Ang daming nakapaligid na nagmamahal sa akin, so kung may kailangan man ako, sila ‘yung lalapitan ko. Family ko, bestfriends ko.

“No, I’m not that desperate. That’s not Carla naman. Hindi po ako ganoon,” paglilinaw ni Carla.

Anyway, kapwa loveless ngayon sina Carla at Tom. Masaya raw naman sila ngayon at muling nagkasama sa So it’s You na idinirek ni Jun Lana under Regal Film pagkatapos ng successful teleserye nilang My Husband’s Lover with Dennis Trillo.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Carla Abellana, desperada na?

  1. Some people may think Carla is mayabang, but I think she is just frank and intelligent. I like her face,she’s pretty.

    • Kasalanan yan ng mga taong mahilig mag gawa-gawa ng tsismis na walang basehan at mga irresponsible writer-writeran na walang pakialam kung makasisira sila ng reputasyon basta may maisulat lang . I like her though…she’s not only beautiful, she’s educated as well.

Leave a Reply

Your email address will not be published.