Carla Abellana: Can You Handle It?

Carla-AbellanaLAST YEAR, nagsulat kami ng artikulo tungkol kay Carla Abellana. Hindi maipagkakaila na isa siya sa leading ladies ng Siyete na kinakitaan ng improvement as time goes by. Aminin na natin – halatang nangangapa siya noong gampanan nya ang Pinay version ng Rosalinda. Eventually, natuto ito at nanalo pa nga ng award sa isang episode ng Shake, Rattle and Roll (Punerarya). Aba, bihira ang mga artistang pinaparangalan dahil sa horror flick, huh!
Two years ago, naging leading lady ito ng dating Hari ng GMA na si Richard Gutierrez sa Makapiling Kang Muli. Matagal-tagal itong nabakante kaya nagkaroon pa ng tsika noon na lilipat na sa Dos ang dalaga. Mas pinili pa rin nitong maging loyal sa pinagsisilbihang istasyon, but it took a while bago ito nabigyan ng primetime show.
Patience paid off dahil two months after namin sinulat ang ‘What’s Next for Carla Abellana?’ ay inumpisahan ang My Husband’s Lover. Dito ay naka-love triangle niya sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo. Hinangaan ang very sensitive portrayal nito sa papel na Lally, ang asawang martir na natutong magparaya para sa kaligayahan ng asawa.
Dahil sa My Husband’s Lover, dumami ang product endorsements at projects ng tatlong lead stars. Kungs ina Tom at Dennis ay nagkaroon ng full-length album full of love songs sa ‘TomDen’, si Carla naman ay nakapag-record ng panibagong version ng OPM favorite na ‘Kung Alam Ko Lang’. Naging patok din ito sa iTunes, pero wala kaming balita kung magtutuloy-tuloy ang singing career nito.
Pagdating naman sa movies ay good shot din ito kay Mother Lily. Sa katunayan nga, naangkin na niya ang titulong ‘Regal’s Horror Princess’ mula sa kaibigang si Lovi Poe dahil siya ang bida sa Third Eye, na palabas na ngayon sa mga sinehan. Challenge para kay Carla Abellana na patunayang kaya niyang magdala ng isang mainstream movie. Matagal-tagal na rin natapos ang My Husband’s Lover at dito natin malalaman kung willing bang gumastos ang moviegoers para suportahan si Carla?
Kasalukuyan ding nagshu-shoot ng isang romance-comedy flick sina Tom Rodriguez at Carla Abellana para sa Regal. May balita rin na may indie film din na gagawin ang dalaga within the year.
In less than a year, this beautiful lady became busy with tons of projects. Is Carla Abellana a certified bankable star now, or is it just a fad? Whatever it is, we want to extend our congratulations and we’ll look forward to your next projects!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.