Carla Abellana, buntis daw at may anak na?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! MAY nag-e-mail sa akin, galing sa isang Jaypee Aquinno <free2dcyd_07@yahoo.com.> na nagtatanong kung totoo bang buntis ang kapareha ni Geoff Eigenmann na si Carla Abellana. Dahil may kumakalat daw na mga larawan nito sa internet na may anak na at nagbuntis ito, huh!

Kaya nagulantang ang aking ulirat nang mabasa ko ang e-mail na ito. Pero hindi ko pa naman nakita ang mga larawan. At I’m sure hindi rin ikatutuwa ng actress ang mga intrigang ito. Nakakaloka, ha?! ‘Yun na!

SPEAKING OF E-MAIL – hindi lang kasi isa ang nagpapadala ng kanilang mensahe sa aking e-mail, sangkaterba talaga –marami na rin ang gustong magsalita ang babaeng nauugnay sa Pambansang Kamao. Dahil tikom talaga ang bibig ni Krista Ranillo hinggil sa isyung lumaki nang bonggang-bonga. Nakakaloka, ‘di ba?!

Hanggang sa nauwi na nga sa buntisan isyu na nakuha pa ni Krista na magpatingin sa doctor upang patunayan na hindi siya buntis. Hmmm…

Dahil marami ang atat na marinig ang panig ni Krista, sa e-mail na nabasa ko galing sa isang <barny@yahoo.com>: “tita swarding, kawawa naman si krista kung ano ano nalang ang mga embentong salita na ipinamukha sa kanya. galing pa kay jinkee, na kung 22usin ay mas maganda naman si krista sa kanya. kaya siguro ipinagpalit siya ni manny. kasalanan ba ni krista na maging maganda siya sa paningin ni manny? mas sexy, bata, at fresh na fresh si krista kaysa sa kanya.

Si jinkee rin kasi ang nagpalaki ng isyu. pero nung may lumabas na isyu sa kanila ni derek ramsey. tikom rin ang bibig niya.” Mukhang may galit ang nag-e-mail. Nakakaloka ka, hija or hijo! I’m sure, makararating ito kay Jinkee. ‘Yun na!

NAGPAG-UUSAPAN NA RIN lang si Jinkee, magkakaroon na nga raw pala ng concert ang ina ng Pambansang Kamao na si Mommy Dionisia. Dahil hindi natuloy ang concert ni Melissa Manchester at Imelda Papin noon, sa hindi inaasahang pangyayari, kaya ang pumalit sa papel ni Melissa Manchester ay si Mommy D. Nakakaloka, ha?!

Kung noon ay guest lamang daw ito sa concert na hindi natuloy, marami ang nag-request sa ina ni Manny Pacquiao na mag-concert sila ng Jukebox Queen. Back-to-back ba ito? Dahil nga kasi nagkaroon din ng duet sina Imelda at Mommy D na ini-record pa nila sa Amerika.

Kaya aabangan ng lahat ‘yan. Eere na ang boses ni Mommy D. Nakakaloka, ha?! Hindi kaya tayo ma-ere niyan? Hahaha! Infernezz, maganda ang boses ni Mommy D, biritan kung biritan ang laban! ‘Yun na!

‘Wag n’yo pong kalimutang pakinggan ang aking programa sa dwbl 1242 khz everyday 8-9 A.M. at sa dzrh 666 khz every Sunday. At makikita n’yo rin ang beauty ko sa inyong telebisyon sa rhtv from 2:30-3:30 P.M. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

8 thoughts on “Carla Abellana, buntis daw at may anak na?! – Tita Swarding

  1. BUNTIS ME ANAK… AY NAKU ISA PNG NNINIRA… ANU B YN SWARDING…. UMAYOS K NGA… LGI K NLNG HEARSAY… MY BAYAD B ANG ABS SYO AT TINITIRA MO TALENTS NG GMA?

    UMAYOS K… B FAIR OK…

  2. ANu bang news to walang ka wenta wenta i saw the link of babaengbakal halata naman na nagkalong at Ninang si carla walang ka wentang news mabuti pa news ay Ivler!.

    • Mukha ding kabayo si Krista Ranillo. Pansinin mo at titigan ang kanyang mga pictures.. Kulang na lang sa kanya ang kalesa. Nakakatuwa nga dahil si Krista parang pa iba ibang hayop ang kamukha. Minsan, mukhang ahas, minsan mukhang pusit. Yun nga lang, puro hayop ang kamukha niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.