Carla Abellana at JC Intal, gimik lang ang hiwalayan?! – Lolit Solis

NAKU, ARNOLD VEGAFRIA pagsabihan mo ‘yang alaga mong si Carla Abellana, ha?

Nagpa-interview noon na break na raw sila ng basketbolistang boyfriend niyang si JC Intal pero pagkalipas ng ilang araw, biglang nag-post daw ito sa isang internet forum na hindi naman daw sila break ni JC.

Ginawa lang daw niya ‘yun para sa loveteam nila ni Geoff Eigenmann!

Pinasok niya ang ganitong propesyon at sinunod niya ang mga utos sa kanya para maging effective ang pinasok niyang career, pagkatapos babawiin? Nakakaloka, ha!

Alam n’yo naman ang ilang staff ng Startalk nagkakalkal sa internet, nabasa nga nila itong post ni Carla para sa mga fans daw ni JC.

May mga litrato pa nila na mga recent na kuha raw ‘yun, para makapagpatunay na sila pa rin. (Narito ang ilan sa mga larawan nina Carla at JC na ibinigay sa atin, galing sa post umano ni Carla)

Naku! Kayo na ang humusga kung ano talaga ang totoo. Sana huwag lang makaapekto sa Rosalinda dahil ang dinig ko, na-extend pa nga ang taping nito, at medyo matagal pa matatapos.

Sana, kung talagang gusto nilang palabasing break na nga sila para sa loveteam nito kay Geoff, okay na ‘yun. Huwag nang bawiin, ‘di ba?

Tinanong ngayon ng reporter namin sa Startalk itong nilagay niya sa internet, itinatanggi ito ni Carla. Hindi raw siya ang may gawa niyon at hanggang ngayon ay break pa rin daw sila ni JC.

Hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Geoff at okay na raw sila as friends.

Sey naman ni Geoff, ayaw raw niyang i-take advantage ang pagkakataong ngayong malungkot si Carla dahil sa break-up na ‘yun.

Basta nandiyan lang daw siya para sumuporta at lalo nga raw silang naging close. Sabi pa nga niya, next to his Mom, si Carla raw ang babaeng pinakamalapit sa kanya. O, ‘di ba bongga? ‘Yun na ‘yun!

KAHIT MEDYO PINAGLALAPIT na sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos dahil sa Stairway to Heaven, consistent pa rin naman si Marian Rivera sa pagsabing hindi siya nagseselos, dahil wala naman siyang dapat ipagselos.

Mabuti naman kung ganu’n kasi tingin ko naman sa dalawa, talagang ginagampanan lang nila nang mabuti ang role nila bilang Cholo at Jodi sa Stairway to Heaven.

In fairness sa Stairway, lalong tumataas ang ratings nito dahil paganda nang paganda ang takbo ng kuwento.

Ang dami na ngang nagkukuwento sa aking gumaganda na ito at sinusubaybayan na nila nang husto.

Ang isa pang kinabibiliban nila ay si Glaiza de Castro bilang kontrabidang si Eunice. Bongga ang performance niya, maganda at convincing ang pagiging masamang stepsister ni Jodi.

Nagpapasalamat lang si Glaiza, wala pa raw nang-aaway sa kanya kapag lumalabas siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

13 thoughts on “Carla Abellana at JC Intal, gimik lang ang hiwalayan?! – Lolit Solis

  1. it quite obvious why you’re saying negative feedbacks to one another. as far as i can conclude, these fans have nothing to do except throw bad stuff to one another. just get a job like these actors/actresses so you can help the economy of the philippines. or better yet save the money you’re paying for the internet service. my goodness! pinoy talaga.

  2. –uo nga dati pa yang mga pic na yan past is past mas maganda c CARLA nuh atsaka anung nd marunung umarte..?para sabihin q sa inyo kau kaya dun baka nd kau maiyak haha wag na kc kayung insecure..!

  3. lahat na lng inaaway mo aa wla ka na bang magawa sa buhay mo kaya ngyn IDOL q naman inaaway mo (CARLA ABELLANA)kung wala ka magawa sa buhay mo manahimik ka na lng mas patok na c ATE CARLA ngyn sa takilya kaysa kay marian

  4. does it mean ba n kpag may nka post n s internet at ung name ni carla abellana ang nka post dun does it mean n siya un?well they hav 2 prove how about kung sinisiraan lng nila si carla abellana?sometimes kasi lhat ng may nakikitang name ng artista na alam nilang maaari nitong ikasira eh gagawin nman ng iba…carla abellana is very beautiful inside and outside..!!!then why do you still continue kasi na sirain ang career niya…those pictures ay matagal na and its true na break na sila ng boyfriend niya…nagpapalabas lng nang mga nonsense na balita ang mga taong wlng tiwala s iba..i like them both carla abellana and marian…but the question is bakit kung kelan na sumisikat o mas sumisikat ang isang artista ay dun nman maninira ung iba are they happy na ang mga sinasabi nilang iyon ay puros kasinungalingan lamang?

  5. hay naku baliktarin nyo man ang mundo sikat si marian sumakit na ang tyan nyo sa galit at inggit. mag ingay na kyo sa mendiola paki ng mga nag mamahal kay marian!

  6. LOL! image promotion daw! kaya nga may publicist ang mga artista no! sino ba ang nanggagamit? sa promo ng Rosalinda ginamit si Marian. sa promo ng Stairway ginamit na naman si Marian! iba kasi pag si Marian na ang topic maraming interesado kahit mga ayaw sa kanya todo sa pag co-comment! iba talaga ang hatak at karisma ni Marian kahit anong binabato sa kanya na intriga mas lalo lang dumami ang nagtatanggol sa kanya dahil totoo siyang tao! di tulad ng ba diyan malakas ang kapit pero di pa rin sumikat wala kasing appeal!

  7. Lolit Solis, halatang halata naman naman binayaran ka para sa image promotion ni Marian na sinira niya sa mata nang press. Huwag mong gamitin si Carla at Rhian. Pareho silang malakas ngayon kaysa kay Marian. Sariwang sariwa pa. Si Marian, medyo kasi bilas_ na.

    • dahan dahan ka sa pananalita mo noh mas mukhang bilas_na yang dalawang yan lalo na si rr 19 pa lang pero mukhang pinagsawaan na ng sampung hapon…at si ca naman di marunong umarte pero in fairness magaling syang makipaglaplapan…kahit pa siguro tumanda si Marian eh mukha pa ring fresh at bata kasi lagi syang nakangiti kahit na ang dami nyong pilit na sinisiraan pero mas marami kaming magtatanggol sa kanya!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.