Carla Abellana at Geoff Eigenmann, nahuling naglalaplapan sa dressing room?!

MUKHANG NAPAPADALAS DAW yata ang pagbabantay ni Carlo Aquino everytime na may recording session ang all-female group na Eurasia sa Viva recording studio. At sino naman sa grupo ang ‘binabantayan’ ng young actor? “‘Yung medyo tisay,” sey ng aming informant. Hindi kami pamilyar sa grupong Eurasia na ang members ay mixed breed, kaya sino kaya sa mga ’tisay’ doon ang ‘apple of the eye’ ni Carlo these days?

So, ibig bang sabihin nito ay walang nangyari sa umano’y panliligaw ng young actor kay Glaiza de Castro? Alam na alam kasi sa showbiz na pinopormahan niya ang young actress. E, paano na si Hershey na ex-member naman ng Mocha Girls? ‘Di ba idineyt din daw dati ito ni Carlo before?

At least, it only means na ‘barako’ talaga itong si Carlo. At naka-move on na siya sa anino ni Maja Salvador.

SPEAKING OF MOCHA Girls, sana raw ay ka-age level ng leader nito na si Mocha Uson ang kinuhang replacement ng mga tinanggal na members. Pansin kasi ng marami, lumulutang ang ‘maturity’ ni Mocha kapag nakadikit na sa kanya ang ex-EB Babe na isa sa back-up dancer niya.

‘Hottie’ pa rin naman si Mocha, pero kapansin-pansin nga raw ang ‘age gap’ nila ng dalawang bagong miyembro ng grupo niya.

SILA NA BA o hindi pa? Bakit daw hindi pa aminin nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann ang relasyon nila? “Madalas na kasama si Carla ni Geoff sa kahit anong guesting niya,” pambubuking ng aming source. “Kahit hindi siya kasama sa guest list, nandoon talaga siya at nakabantay kay Geoff.”

“Saka, hindi ba nahuli na rin sila na naghahalikan sa dressing room?” dagdag pa ng aming source. “Kaya aminin na nilang magsyota na sila, ‘no?”

Wait and see na nga lang tayo. Aaminin din naman siguro ang dalawa – ‘pag break na sila.

“MUKHA SIYANG ‘HOBBIT’, ‘no?’ sey ni Maui Taylor about DJ Mo Twister. “Lagi ko ‘yang sinasabi sa kanya. Kahit nu’ng magkasama pa kami sa radyo. Hindi siya guwapo, ‘no?!”

“Hindi ba siya ang better version ni Jograd dela Torre?” sey naman ni Dolly Ann Carvajal.

‘Yan ang masayang laglagan sa set ng  Stop, Talk and Listen na napapanood sa Cignal TV, three times a day. Kasama rin nina Maui at Dolly Ann si Mr. Fu sa showbiz-oriented talk show na produced ng Viva. Panoorin n’yo po at tiyak na mas maaaliw kayo kesa sa mga ‘mainstream’ showbiz talk shows d’yan.

Bore Me
by Erik Borromeo

loading...

3 thoughts on “Carla Abellana at Geoff Eigenmann, nahuling naglalaplapan sa dressing room?!

  1. My gosh, the nerve naman mamintas ni Maui at Ni Dolly Ann. Maui retokada, DA, please lang manalamin ka. Until now I couldn’t believe that naging bf mo si Robin.

  2. You know what they say about people in glass houses … not a fan of Mo, but Maui Taylor and Dolly Ann Carvajal are not exactly gorgeous beings themselves.

Leave a Reply

Your email address will not be published.