Carl Gueverra not having a girlfriend for almost two years!

ALMOST TWO YEARS na palang loveless si Carl Guevarra, isa sa main actor ng remake ng Blusang Itim na mapapanood sa GMA-7 simula May 16, kapalit ng Alakdana.

Ayon kay Carl, sariling desisyon niya raw na ‘wag munang magkaroon ng seryosong relasyon dahil mas gusto niya munang bigyan ng oras ang kanyang showbiz career. Hindi nga raw nito namalayan na lumipas na ang dalawang taon since naghiwalay sila ni Daiana Menezes, pero happy naman daw siya dahil maganda ang takbo ng kanyang career.

Pero if ever nga raw na may babaeng magpatibok ng kanyang puso anydays from now, baka ‘yun na raw ang hudyat na dapat na siyang umibig muli. Aminado raw si Carl na nagagandahan siya sa co-star nito sa Blusang Itim na si Kylie Padilla, pero hindi pa raw sila masyadong nagkakakilala, dahil sa pictorial pa lang sila nagsasama at hindi nagkaka-eksena.

Tsika nga nito nang matanong namin kung may pag-asa ba na magkagusto siya kay Kylie na ‘di raw malabo dahil bukod sa maganda ay mabait daw si Kylie. Kaya naman daw kahit na sinong Adan ay mai-in love sa magandang anak ni Robin Padilla. ‘Yun na!

PINASOK NA RIN ng anak ng sikat na singer noong 80’s na si Gino Padilla ang showbiz. Ito nga si Josh Padilla, 17 years old at in-coming 3rd year college sa Ateneo.

Kasama si Josh sa bagong teen show ng TV5 na remake ng pelikulang Bagets na nagpasikat noon kina Aga Muhlach, William Martinez, Herbert Bautista, Raymond Lauchengco at JC Bonnin, at ngayon ay isasa-telebisyon na rin .

Sariling desisyon daw ni Josh ang pag-aartista dahil gusto lang daw nitong subukan ang mundo na ginalawan ng kanyang Daddy Gino.

Suportado raw si Josh ng kanyang Daddy at Mommy Chi-Chit na siyang laging kasama ni Josh sa taping. Payo nga raw sa kanya ng Daddy niya na mag-focus at mahalin ang kanyang trabaho, at higit sa lahat, matutong makisama sa kanyang makakatrabaho. Mahilig din daw kumanta si Josh pero hindi raw kasing-galing ng kanyang Daddy Gino.

BUMALIK NA MULI ang magandang katawan ng prime artist ng GMAAC na si Mark Herras, at kitang-kita ito habang sumasayaw last Sunday sa Party Pilipinas habang naka-muscle shirt ito.

Tsika nga ni Mark na puspusan ang kanyang ginagawang pagdyi-gym nang sa gayon ay bumalik na ang dating ganda ng kanyang katawan. Isa na rin daw ito sa paghahanda niya sa kanyang new show sa GMA-7, ang Jump In, isang drama-serye, kung saan makakasama nito ang ilan sa mga dance  princes and princesses ng network.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Carl Gueverra not having a girlfriend for almost two years!

Leave a Reply

Your email address will not be published.