Carl Guevarra, pasado kay Kris Bernal!

KUNG KAILAN nagbabalik-tambalan sina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa Pinoy remake ng Korean romantic comedy series na Coffee Prince, saka naman mas umiinit pa ang pagkaka-link ng aktres kay Carl Guevarra.

Balitang mag-on na ang dalawa since July 26 daw? At isang aso raw ang gift ni Carlo kay Kris sa first monthsary nila.

“Binigyan nga niya ako ng puppy. Pero hindi for a monthsary. Walang okasyon. Nakita niya kasi na may tweet ako na gusto kong magkaroon ng pet dog. Tapos nagulat ako na isang araw, may dala siya sa bahay na aso.”

Hindi naman itinatanggi ni Kris na gusto niya si Carl. Kaso, ayaw raw niyang madaliin ang tungkol sa lovelife dahil trabaho ang gusto niyang i-prioritize ngayon.

“Kumbaga, dati nagkaroon ako ng lovelife. Tapos ‘yon ang naging priority ko. And then wala namang nangyari. Kaya sa ngayon, gusto ko muna talagang mag-focus sa work.”

Pero hindi kaya makaapekto ang umuusbong na magandang pagtitinginan nila ni Carl sa nagbabalik na tambalan nila ni Aljur?

“Siguro, makakaapekto lang sa oras. Pero sa loveteam namin ni Aljur, hindi naman. Kapag nawalan ako ng time na hindi ko siya (Carlo) ma-text, maka-reply or whatever, eh… dahil nagtatrabaho ako no’n. Gano’n.

“Gusto kong mag-concentrate muna sa Coffee Prince, eh. Kasi ang ganda no’ng proyekto. At ayoko namang gawin siya na parang… basta-basta na lang ako nagtatrabaho.

“Gusto ko siyang karerin. Napakabigat ng role ko bilang babaeng magpapanggap na lalaki para matanggap magtrabaho sa coffee shop ni Aljur. Kaya, career more than anything.”

Pero gusto niya talaga si Carl? Pasado ito bilang boyfriend sa kanya?

“Pasado. Pasado si Carl. Kasi napakabait niyang tao. Sabi ko naman sa kanya, basta kapag kaya kong i-balanse at dalhin pareho ang career at lovelife, okey lang sa akin. Pero kung hindi, sorry! Hahaha! May trabaho po ako, eh.”

Si Aljur, hindi ba siya binibiro tungkol kay Carl?

“Eh, kasi si Aljur, alam naman niya lahat ng mga nanliligaw sa akin. Kaya nagku-comment ‘yan kapag ayaw niya o kapag gusto niya. And so far naman, okey naman siya kay Carl. Kung paano ko raw nakikilala si Carl ngayon, gano’n din daw naman niya na-kilala si Carl no’ng nagkakasama sila.”

Lately, parang may problema sa usaping pampuso si Aljur. Pagkatapos nga ng Party Pilipinas, marami ang nakapansin sa matagal at serysong pag-uusap ng aktor at ng beteranong TV host na si German Moreno.

At ang nauulinigang parang payo ni German kay Aljur, huwag paapekto sa heartaches. Trabaho muna ang mas bigyang-pansin.

May alam siya kung may iniinda ngang problema sa lovelife si Aljur?

“Wala!” nangiting sagot agad ni Kris. “Ayoko na lang magbigay ng comment tungkol diyan. Kasi pagdating sa personal o  lovelife niya, ayoko ring pakialaman, eh.”

Dati, sinasabing muntik nang mauwi sa totohanan ang tambalan nila ni Aljur. Naudlot lang daw. Posible pa ba ito kahit may Carl nang nanliligaw sa kanya?

“Posible naman. Kasi ‘yong nangyari sa amin ni Aljur, okey naman, eh. Okey ‘yong naging relationship namin. Kaya lang, nagkakataon na may konti kaming hindi pagkakaintindihan din. Pero ngayon, siguro puwede. Dahil mature na siya, eh. Mature na rin ako. Mas malawak na ‘yong pang-unawa namin pareho. Pero depende rin sa kanya iyon. Kung gusto niya!” sabay bungisngis na sabi ni Kris.

Hindi naman kaya makaram-dam ng selos si Carl o ma-threaten na parang baka maging ka-ribal pala niya si Aljur?

“Hindi naman siya magseselos. Kasi naiintindihan naman niya na trabaho ‘yon. At saka alam din niya na kapag trabaho, eh, ano talaga ako… sabi ko, sorry talaga.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Carl Guevarra, pasado kay Kris Bernal!

  1. user friendly naman ata yang carl guevarra na yan! gusto sumikat ni carl kaya si kris bernal ang ginagamit? kung gagamit ka na lang sana carl guevarra, dapat naman yung sikat at talagang mapapansin ka! bakit naman yang starlet na bansot pa ang pinagiinteresan mo teh?

Leave a Reply

Your email address will not be published.