Carl Guevarra, crush si Eula Caballero

Carl- Guevarra-Eula-CaballeroHINDI NAIWASANG kiligin ng mga naimbitang kapatid sa panulat sa presscon ng TV5’s Wattpad Presents: Maid for Korean Boys na magsisimula nang mapanood sa June 1, 9 pm, Lunes hanggang Biyernes, nang aminin ni Carl Guevarra na noon pa niya crush si Eula Caballero.
Tsika nga ng lead actor ng show si Carl along with Steven Silva, nasa bakuran pa siya ng GMA 7 at napanonood lang niya ang baguhan noong si Eula na kanilang leading lady, ay nasabi na niya sa kanyang sarili na crush niya ang TV5 Prime Artist.
Willing nga raw ito maghintay sa dalaga kahit alam nitong taken na ito, at 5 years nang karelasyon ng co-Star Factor noon ni Eula na si Christian.
Kaya naman daw sobrang happy ito sa pagsasama nila muli sa Maid for Korean Boys, dahil bukod sa maganda at mabait, magaang daw katrabaho si Eula.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleTapatan sa roles Heart Evangelista Vs Marian Rivera
Next articleAndre Paras at Kobe Paras, ‘di naturuan ng kagandahang asal

No posts to display