Carjacker, naaresto nang tumirik ang sasakyang ninakaw

BUGBOG-SARADO ANG ISANG carjacker matapos itong gulpihin ng mga barangay tanod na umaresto sa kanya, makaraang tumirik ang motorsiklo na ninakaw niya sa kanyang amo sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Nabatid kay PO2 Hoover Ireneo ng Anti-Carnapping Unit ng Valenzuela Police, kasong carnapping ang kinakaharap na asunto ni Terrence Fernandez, 26, may asawa, ng Marcela St. Maypajo, Caloocan City.

Sinabi nina SPO1 Percy Villanueva at SPO1 Ariel Soriano ng Station Investigation Unit ng Valenzuela Police, bandang alas 4:30 ng umaga nang tangayin ni Fernandez ang Suzuki Rider (4465-UK) ng kanyang among si Maribeth Torrecampo sa Marcela St. Caloocan City.

Pagsapit sa M. H. Del Pilar Barangay Mabolo, Valenzuela City, tumirik ang motor at nilapitan siya ng mga barangay tanod na sina Renato Deato at Benjamin Martinez ng nasabing barangay.

Nagtanong pa sa mga tanod ang suspek kung may kakilala silang mekaniko para maipagawa ang nasirang motor.

Nagduda sina Deato at Martinez, dahil walang susi ang motor at hindi rin maipakita ng suspek ang rehistro.

Nang sitahin nila ang suspek dali-dali itong tumakbo hanggang sa abutan ng mga tanod at gulpihin.

Sa panayam ng Balita  kay Fernandez, inamin nito na talagang nanakawin niya ang motorsiklo para dalhin sa San Miguel Bulacan at gawin niyang service.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.