Cargo truck vs tricycle: 1 patay, 1 kritikal

DEAD ON the spot ang isang babae matapos masagasaan ng rumaragasang cargo truck, habang nasa kritikal na kondisyon ang kasama nito makaraang salpukin ang sinasakyan nitong tricycle sa Cagayan Valley Road, Brgy. San Roque, San Rafael, Bulacan.

Sa police report na tinanggap ni P/ Senior Supt. Fernando Mendez Jr., Bulacan police director, kinilala ang nasawi na si Menchie Maon, 27 anyos, residente ng Brgy. Diliman, San Rafael; samantalang nasa malubhang kalagayan ang kasama nito na si Mervine Valino, 31 anyos, driver, ng Brgy. Santa Catalina Matanda, San Ildefonso, Bulacan.

Kinilala naman ni P/ Supt. Rodolfo Hernandez, San Rafael police chief, ang driver ng Isuzu cargo truck na may plakang RHD-123 na si Romualdo Alay-ay, 32, residente ng Purok 6, Brgy. Mabini Santo Domingo, Nueva Ecija.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na patungo ng Maynila ang cargo truck nang aksidenteng mabangga nito ang sinasakyang tricycle ng mga biktima bandang alas-10:30 ng gabi.

Nabatid na sa sobrang lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon sa labas mula sa sidecar ng tricycle si Maon at nagulungan na truck.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and serious physical injuries.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.