Cargo Truck, Bumaliktad; 1 Dedo

PATAY ANG isang babae habang sugatan ang pitong pasahero nang bumaligtad ang isang cargo truck sa Barangay Poblacion Minglanilla, Cebu.

Sa ulat ng Minglanilla Police, lasing ang driver ng nasabing trak na si Joel Cardoza kaya hinihilang wala ito sa tamang kontrol at bumaligtas ang minamanehong sasakyan dakong alas-3:00 ng madaling-araw.

Sinasabing hindi napansin ni Cardoza ang railings sa centre isle dahilan para mabangga ito.

Nagtamo ng matin-ding sugat sa katawan ang biktimang si Lorenza Canoy, residente ng Holy Spirit Homes.

Nagpapagamot naman sa Minglanilla District Hospital ang pitong iba pang pasaherong nasugatan.

Agad namang sumuko sa pulisya si Cardoza na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homecide and Multiple Physical Injuries.

(E. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.