Caretaker ng PNP Housing, Kulong sa Panghahalay sa May Sayad

KALABOSO NGAYON ang isang 33-anyos na lalaki makaraang ireklamo ito ng panggagahasa sa isang 18-anyos na dalaga na umanao’y may problema sa pag-iisip sa Brgy. Tambubong, Bocaue, Bulacan.

Kinilala ni P/Supt. Nathaniel Villegas ang nadakip na suspek na Edwin Pustrado Y Santiago, alyas Mark, tubong-Arayat, Pampanga, stay-in caretaker ng PNP housing project; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Trixia, 18 anyos.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-11:35 ng tanghali kahapon ng arestuhin ang suspek.

Ayon sa ilang mga nakasakisi, huling nakita ang biktima sa naturang compound noong Abril 21 dakong alas-7:00 ng gabi.

Nabatid na nadiskubre lamang ang panghahalay ng suspek nang dumaing ang dalagita na masakit ang maselang bahagi ng katawan nito. Nang usisain ng kanyang tiyahin, tumambad ang namamagang ari ng dalagita na pinaniniwalang minolestya muna bago ginahansa.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa kasong Rape in relation to RA7610.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.