Caretaker, nagbigti dahil sa hirap sa buhay

NAGBIGITI ANG ISANG caretaker matapos hindi na makayanan ang hirap sa buhay sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Patay na nang matagpuan si Jimmy Sojor, 24 ng Villa Diaz Cmpd., Brgy. 180 ng lungsod.

Base sa ulat, alas-2 ng hapon nang makitang nakabigti ng jumping rope ang biktima sa loob ng tinitirhan nito sa nasabing lugar.

Nakita ang isang suicide note ng biktima na may nakasaad na “Ako po si Jimmy Boy Sojor, hirap sa buhay, hindi ko na kaya paalam na sa inyo hindi ko na matiis ang sarili ko kaya magpapakamatay na lang ako, salamat po sa inyo.         (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.