Caretaker, kritikal sa guwardiya

KRITIKAL ANG ISANG caretaker matapos putukan ng shotgun ng kanilang guwardiya matapos nang pagbintangan ng una na kasabwat ang huli sa mga nawawalan, gamit ng kumpanya sa Valenzuela City Biyernes ng gabi.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng shotgun sa katawan si Jesus Pamatian, 62 caretaker sa Steel Co and Company sa M. H. Del Pilar, Arkong Bato ng lungsod.

Nakatakas naman ang suspek na si Junifer Dayday, 30 kasama si Rico Tayuban, nasa hustong gulang at kapwa sekyu ng nasabing kumpanya.

Batay sa ulat, alas-8 ng gabi, naghahanda ng hapunan si Pamatian sa loob ng nasabing kumpanya nang dumating ang dalawang guwardiya at kumprontahin ni Dayday si Pamatian.

Nagagalit si Dayday dahil pinagbibintangan ng biktima na kasabwat sa mga nawawalang gamit ng kumpanya hanggang sa putukan ng shotgun ng una si Pamatian.

Matapos ang insidente ay tumakas si Dayday kasama ang kapwa guwardiyang si Tayuban habang dinala naman sa VGH si Pamatian. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.